^

PSN Showbiz

Inigo naalala ang lola sa tagahangang may leukemia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Inigo naalala ang lola  sa tagahangang may leukemia
Inigo

Isang benefit concert ang pinangunahan ni Inigo Pascual noong Miyerkules para sa tagahanga niyang mayroong leukemia. Ginanap ito sa isang bar sa Quezon City na dinaluhan din ng ama ni Inigo na si Piolo Pascual.

Naisipan umano ng aktor na makatulong sa pagpapagamot ni Arnie Espina na isang masugid na tagahanga ni Inigo. “She’s a fan that I met last year. She’s already family to me,” bungad ni Inigo. Limang buwan na ang nakalilipas nang unang magkita at nagka­kilala ang dalawa noong dalawin ng aktor si Arnie sa ospital. “I felt so connected to her. She has the same leukemia as my lola before. So parang in a way, I felt like I found purpose upon meeting her na hindi lang basta-basta trabaho ‘yong ginagawa natin,” pagbabahagi ni Inigo.

Nakalikom ng pondo mula sa ginawang benefit concert na makasusuporta sa pagpapagamot ni Arnie. Para kay Inigo ay nais niyang tulungan ang tagahanga sa abot ng kanyang makakaya. “We never know ‘yung mga chemotherapy, you’ll never know when you need it. As much as we can to help her, we’ll do everything. I hope this is something that will inspire other artists as well, na you can do it for your supporters,” nakangiting pahayag ng aktor.

Edward, naging responsable dahil kay Marco

Nakabalik na sa bansa ang Pinoy Big Brother housemate na si Marco Gallo. Matatandaang nagpunta sa Italy ang baguhang aktor noong isang taon upang mag-aral at makapagbakasyon. Sa ngayon ay plano na raw ni Marco na manatili sa Pilipinas. “Actually it’s for good. That’s my plano po. So I will see you soon again. Siyempre super lamig (sa Italy). Sabi ko parang sobrang lamig para sa mga Pinoy dito. Balik na lang sa Pilipinas,” kwento ni Marco nang mag-guest sa Magandang Buhay.

Masaya naman ang kaibigang si Edward Barber nang malamang nakabalik na sa bansa si Marco. “Si Marco alam ko he will surprise me and Maymay (Entrata), hindi ko alam kung kailan. So nag-guest siya sa PBB online. He surprised us tapos nag-all out kami ni Maymay,” pahayag ni Edward.

Ayon kay Edward ay malaki ang naitulong sa kanya ni Marco upang maging mas responsableng tao. “Grateful ako kasi si Marco, siya ang nagbigay ng chance sa akin na I can be a kuya. Kasi hindi ko naranasan ‘yon. May ate lang ako, wala akong bunso. So kahit six months lang ‘yung difference (sa edad nina Marco at Edward), he gave me that chance na ‘yung responsibility na parang may kapatid ako na lalaki. May responsibility doon pero mahirap din minsan. Kasi si Marco makulit at matigas ang ulo,” paliwanag ni Edward.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with