^

PSN Showbiz

Rey Valera madalas na napapagastos sa mga contestant na talunan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Rey Valera madalas na napapagastos sa mga contestant na talunan
Rey Valera

Naaapektuhan si Rey Valera sa tuwing mayroong nago-gong na kalahok sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Bilang Punong Hurado ay dumarating ang pagkakataon na napapagastos si Rey upang matulungan ang mga natatalong contestant.

“Magastos din paminsan-minsan ‘pag may na-gong ako,” bungad ni Rey. “Minsan hinahabol ko ‘yun sa labas. Kung ano ang laman ng pitaka ko ibinibigay ko ‘yon. Kung hindi, hindi ko siya inaabutan, talagang pupunta ako ng mall para lang bumili ako ng kahit na ano at nang mawala sa isip ko ‘yung nakukonsensya ako eh, pero trabaho ko kaso tao lang ako. You cannot help yourself but to emphatize kung ano ang sasapitin ng taong ‘to matapos ko siyang i-gong,” pahayag ni Rey.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng singer-composer sa bawat episode ng nasabing singing competition. “Siyempre minsan sayang, lalo na ‘pag palagi kong napapanood, nakikilala mo siya. nalalaman mo na ang buhay nila at nagkakaroon ka na ng attachment, na parang ‘pag hindi sila nanalo, medyo masama rin ang loob mo at ‘pag nanalo naman, you feel so happy for them,” pagtatapos niya.

Ria kapatid lang ang tingin kay Dominic

May mga tagahanga sa social media ang nagsasabing bagay umano sina Ria Atayde at Dominic Roque. May ilan pang gustong magkatambal o magkamabutihan ang dalawa.

Para naman kay Ria ay isang kapatid na ang turing niya kay Dominic dahil malapit na magkaibigan ang inang si Sylvia Sanchez at tiyahin ng aktor na si Beth Tamayo. “Wala talaga. Dom and I have known each other since ten years old pa lang noon. Kasi tita Beth and my mom are friends. Ang daming nagsasabi na bagay kami pero para na kaming magpinsan o magkapatid ni Dom,” bungad ni Ria.

Samantala, naikwento rin ng aktres na muntikan na siyang ligawan noon ng miyembro ng Boyband PH na si Ford Valencia pero naudlot ito.

“We really got to know each other naman. We hang out for a bit pero kasi they are super busy and then I became busy.

“So we barely got to communicate na rin, universe said no. He didn’t explicitly say naman na, ‘Puwede ba akong manligaw?’ Walang gano’n eh. I wouldn’t say it got serious. It’s just two people getting to know each other and it didn’t work out,” paglilinaw ni Ria.  (Reports by Dyames Cantos)

vuukle comment

REY VALERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with