^

PSN Showbiz

Arjo tumapang!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Arjo tumapang!
Arjo

SEEN: Positive ang mga feedback at pinupuri si Arjo Atayde dahil sa matapang na pag-amin nito na exclusively dating sila ni Maine Mendoza pero mas marami ang naniniwala na may relasyon na sila.

SCENE: Ang story conference kahapon ng Dragon Lady, ang upcoming afternoon primetime drama series ng GMA 7. Mga bida sa Dragon Lady sina Janine Gutierrez, Tom Rodriguez, Edgar Allan Guzman, James Blanco at Diana Zubiri. Si Paul Sta. Ana ang direktor ng Dragon Lady.

SEEN: Mainit ang pagtanggap kay Edu Manzano ng mga kababayan natin na Muslim nang bumisita siya sa Barangay West Crame ng San Juan City. Mga Muslim ang karamihan sa mga residente ng Barangay West Crame na nangako na susuportahan nila ang congressional bid ni Edu.

SCENE: Sinabi ni Ariel Rivera na tinanggap nito ang role sa Ang Sikreto ng Piso dahil sa kagustuhan niya na makagawa ng isang comedy movie. Bihirang gumawa si Ariel ng pelikula dahil choosy siya. Mga quality movie ang priority project ni Ariel.

SCENE: Ang Bato, The Ronald Dela Rosa movie ang kalaban na pelikula ng Ang Sikreto ng Piso sa January 30, 2019. Bida sa Bato si Robin Padilla at leading lady niya si Beauty Gonzales.

SEEN: Sa kabila ng R16 at R18 classification ng MTRCB, nagbukas kahapon sa 169 cinemas nationwide ang Born Beautiful, ang pinag-uusapan at controversial launching movie ni Martin del Rosario.

SCENE: Dalawang pelikula ni Lou Veloso ang mapapanood sa magkasunod na linggo ng January 2019, ang Born Beautiful na nagbukas kahapon sa mga sinehan at ang Ang Sikreto ng Piso na may playdate sa January 30. Worthy of a best supporting actor nomination ang performance ni Lou sa Born Beautiful.

SEEN: Si Glydel Mercado ang gumanap na Senator Cynthia Villar sa life story nito na mapapanood sa Magpakailanman bago magsimula ang senatorial campaign para sa midterm elections sa May 2019.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with