^

PSN Showbiz

Jasmine, third party kina Liza at Enrique

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Jasmine, third party kina Liza at Enrique
Jasmine

Wala tayong kamalay-malay at dahil marahil naka-focus tayo sa Darna ni Liza Soberano na hindi pa makaarangkada kung kaya nagulat pa tayo na malaman na mayro’n na pala itong pelikula na natapos at nakatakdang mapanood sa February 13. 

Hindi man niya makapareha ang ka-loveteam niyang si Enrique Gil sa kuwento ng babaeng lumilipad sa pelikula, sila naman ang magkasama sa Alone/Together na nasa direksiyon ni Antoinette Jadaone. Baka si Jasmine Curtis Smith ang magsilbing third wheel sa kanilang tambalan dahil, kasama ito sa movie na nagtatampok din kina Sylvia Sanchez, Nonie Buencamino. Adrian Alandy, Mary Joy Apostol at Xia Vigor. 

Who cares kung magtagal man in the making ang Darna, masaya na ang mga fans and followers ng itinuturing na pinaka-magandang artista na hindi ito nababakante at hindi inaaksaya ang panahon  niya sa  paghihintay sa  magiging kapalaran ng Darna.

Aktor may totoong dyowa Carlo at Angelica, nag-eklayan lang uli

Lumalabas ngayon na may totoong girlfriend pala si Carlo Aquino at press release lang ang sinasabing balikan nila ni Angelica Panganiban. Lahat naman ay naniniwala na hindi ito lingid sa kaalaman ng magaling na aktres at pumayag siyang papaniwalain ang lahat para sa kapakanan ng mga proyekto nila ni Carlo na nagbunga naman ng maganda. 

Sa tingin niyo papayag si Angelica na masaktang muli? Lagot si Carlo kapag nagkataon. Matitikman din niya ang lupit ng aktres na ipinadama nito kahit sa mga salita lamang kay John Lloyd Cruz.

Isang modelo diumano ang current girlfriend ni Carlo at may katagalan na silang nagdi-date bago pa ang pagpaparehang muli ng CarGel kaya walang dapat ipaghinanakit ang kanilang mga fans sa paglabas ng totoo nilang relasyon.

X-Factor nakakaalis…

Nakakaaliw manood ng audition para sa X-Factor ng Blue Ant Entertainment Channel 53 tuwing hatinggabi. 

It makes my writing of my daily column here in PSN & PM and insomniac nights quite relaxi­ng and enjoyable, hindi nakakabagot.

In all fairness, magagaling ang mga nag-o-audition. Malupit pa rin si Simon Cowell bilang judge pero, nasu-sway na rin siya minsan ng mga kasamahan niyang judges.

Magandang balanse siya sa tatlong kasamahan niyang judges na kinokontra minsan ang desisyon niya. Nagiging healthy ang competition. Minsan ay may nag-audition na isang Pinay na gumamit ng dalawang boses ng lalaki at babae, parang si Marcelito Pomoy, sa kanyang pagkanta ng The Prayer at pumasa siya.

JV naiparating ang lawak ng health bill

Magandang propaganda para kay Sen. JV Ejercito ang ginawa niyang pag-guest sa The Borderline show ni Boy Abunda. Nagawa niyang maiparating sa mga naghahanap ng maiboboto sa halalan sa Mayo ang lawak ng health bill na hinihintay niyang maipasa sa Kongreso at Senado para maging ganap na batas at mapakinabangan ng mamamayang Pilipino. Marami ang nalungkot na malamang may hindi sila pinagkakasunduan ng kanyang amang si Manila Mayor Erap Estrada. Malaki sana ang maitutulong nito sa kandidatura niya at sa mga gawain niya sa Senado. Ang kapatid niyang si Sen. Jinggoy Estrada ang tanging tumatanggap ng suporta ng ama na ikinalulungkot niya ay kasabay pa niyang kumakandidato sa Senado dahil mahahati pa ang kanilang boto.

‘Di pa rin dumadating

Alok nang alok ang NewChic ng mga produkto nila pero, galit na galit naman ako dahil yung order ko ng three blouses first week pa ng December for Christmas ay hindi ko pa yata maisusuot para sa Valentine’s Day. Binayaran ang mga order ko ng anak ko gamit ang credit card niya and it has long been in transit, their words not mine. Wala ba akong proteksyon dito, basta na lang ba masasayang ang pera ng anak ko? Hindi ito pinapansin ng anak ko, siguro dahil maliit lang ang halaga (less than P3,000) but, I mind very much dahil mukhang niloloko na ako ng NewChic at kasalanan ko na kapag pinalampas ko. Iniipon ko na lahat ng ahensya ng gobyerno na pwede kong pagreklamuhan. 

Naniniwala ako sa kasabihang walang manloloko kung walang magpapaloko. May record ako ng transakyon sa mga inorder ko, at resibo. 

 

vuukle comment

ENRIQUE GIL

JASMINE CURTIS SMITH

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with