^

PSN Showbiz

Child actor na biktima ng pambu-bully ng nanay, kaya nang lumaban

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Teenager na ang isang dating child actor na balitang kinukurot ng kanyang mommy kapag ayaw niyang mag-taping. ‘Yun ang kuwentuhan sa istasyong pinaglilingkuran ng bagets, kapag nabuburyong na siya sa pagtatrabaho dahil laro pa ang nasa kanyang isip bilang bata ay agad na siyang kukurutin ng kanyang nanay, nakasimangot namang sumusunod ang bata.

?Ang dami-daming kuwento tungkol sa mag-ina. Habang nagtatrabaho ang kanyang anak ay iniiwan muna siya sa kanyang alalay, si mommy naman ay kung saan-saan naglalakwatsa, bumabalik na lang kapag patapos na ang taping.

?Kuwento ng isang source, “At ‘yung lagay na ‘yun, e, nag­rereklamo pa siya kapag nade-delay nang kahit sandaling-sandali lang ang mga eksena ng anak niya.

?“Kailangan na raw nilang umuwi, papasok pa raw ang anak niya kinabukasan, kaya bawal mapuyat nang husto. Umaalis siya sa set, ni hindi nga niya alam kung ano ang nangyayari, pero pagbalik niya, e, magrereklamo pa siya?

?“Kung ‘yun ba naman, e nandu’n siya at binabantayan niya ang anak niya, e, di sana, alam niya na nagkaroon ng technical problem na wala namang may gusto?

?“Maglalakwatsa siya hanggang gusto niya, tapos, pagbalik niya, e, aapurahin niya ang production? Magdadabog siya, bubulong nang bubulong, dahil uwing-uwi na siya?” naiinis na kuwento ng aming impormante.

?Pero ngayon ay hindi na puwede ang mga gusto ni mommy, malaki na ang kanyang anak, may sarili nang pag-iisip.

?“Hindi na niya puwedeng pilitin ang anak niya kapag ayaw gawin ang isang bagay. Hindi na niya makukurot nang basta-basta, puwede nang mangatwiran ang bagets sa kanya!

?“Hindi na nga nakapaglaro ang anak niya, e, pagdadamutan pa ba niya ngayon kung naghahabol ‘yung bata sa mga hindi niya nagawa?

?“Kung ano na lang ang gustong gawin ng bagets, ‘yun ang mangyayari, hindi na niya puwedeng kurutin ang teenager na niyang anak para lang umarte!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

?Ubos!

Walang anuman poe ni Grace, epektibo

KAHIT may ginagawa kami ay pansamantala kaming humihinto kapag ipinalalabas ang paid advertisement ni Senadora Grace Poe.

? Gandang-ganda kami sa storyline ng kanyang ads, malasakit sa mga batang Pilipino ang tinutumbok nu’n, walang batang papasok nang gutom dahil sa feeding program na kanyang isinusulong.

?“Thank you poe,” sabi ng isang batang babaeng nabusog sa feeding program. “Walang anuman poe,” banayad namang sagot ni Senadora Grace Poe na palaging nangunguna sa survey ng mga tatakbong senador ngayong darating na halalan.

?Simple pero ang ganda.

Martin nakakahinayang kung hindi mapapanood

DAHIL sa mga nababasa naming positibong review sa pelikulag Born Beautiful ay maglalaan na kami ng panahon para tutukan ang proyektong pinagbibidahan ni Martin del Rosario.

?Una naming napanood si Martin sa isang episode ng Magpakailanman. Hindi namin siya kilala pero ang husay niya sa pag-arte ang umagaw ng aming pansin, “Si Martin del Rosario po siya, ang galing-galing po talaga niyang umarte,” sabi ng aming kasambahay.

?Mula nu’n ay tumatak na sa amin ang kanyang pangalan, hanggang sa napapanood na rin namin siya sa iba pang mga serye sa GMA-7, hanggang sa heto at nagbibida na siya sa Born Beautiful.

?Lahat ng nakausap namin ay pumupuri sa kanyang pag-arte, bukod pa sa napakaganda raw niya sa pelikula na humahawig kay Dawn Zulueta, pero mas umaalsa ang paghanga ng aming mga kausap sa talentong ipinakita niya sa pelikula.

?Si Perci M. Intalan ang nagdirek ng Born Beautiful, ang mahal naming si PMI, sa script namang sinulat ni Direk Jun Lana at ng dati naming kasama sa TV5 na si Elmer Gatchalian.

?“Sayang kapag hindi mo napanood ang Born Beautiful. Paminsan-minsan lang tayong nakakapanood ng pelikulang totoong-totoo,” pang-eengganyo ng isang kapwa manunulat na pumapalakpak sa pelikula.

?Nag-aalab daw sa init ang mga eksena nina Martin del Rosario, Kiko Matos at ni Akihiro Blanco. Sa pagiging totoo raw ng pelikula ay para lang kaming nakasilip sa bintana ng aming kuwarto habang ninanamnam ang mga nagaganap sa katapat naming kuwarto.

?Sa Miyerkules na, January 23, ang unang araw ng pagpapalabas ng Born Beautiful. Pagkatapos naming magradyo ay siguradong panonoorin namin ito para personal naming matunghayan ang isang obrang nakapanghihinayang daw kapag hindi namin pinanood.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with