^

PSN Showbiz

Aktres ibinuking ng ina tungkol sa aktor na naging dyowa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ayaw magsalita ng aktres na ito kung nanligaw o kung nakarelasyon niya ang isang aktor na nakasama niya sa teleserye.

Naging maingay ang tsika na nagkainlaban ang dalawa dahil na rin siguro sa maraming kilig scenes na kanilang ginawa kasama ang maraming kissing scenes. Ang hindi alam ng aktres, tsinika ng mother niya sa ilang kaibigang reporter na nanligaw at nagkaroon ng short relationship ang anak na aktres at ang aktor.

Bumilib pa nga si madir dahil nagpaalam sa kanila ang aktor kung pwedeng umakyat ng ligaw dahil iilan na lang ang ganu’n nga­yon.

Saka, pabor si madir sa aktor dahil bukod sa guwapo, sikat ang aktor that time. Hindi lang nagta­gal ang relasyon ng dalawa dahil nang matapos ang kanilang teleserye, nag-break din ang dalawa. Binalikan ng aktor ang GF na isa ring aktres at ang aktres, nakailang relasyon na pagkatapos ng short relationship nila ng aktor.

Nagkikita ang mag-ex ngayon at nagkakatawanan na lang.

Naka-move on na sila sa maiksi, pero mapusok na relasyon.

Xian at Louise, may love scene bago naghiwalay

Sa sagot na “hindi siya” nang tanungin sa presscon ng Viva Films movie na Hanggang Kailan kung hindi si Aljur Abrenica ang blind item niya sa isang ex. Parang kinumpirma na rin ni Louise na nakarelasyon niya ang aktor noong pareho pa silang nasa GMA-7.

Ang natatandaan ng mga reporter, itinanggi niyang naging BF ang aktor, pero sa interview kay Aljur noong nasa ABS-CBN na siya, inamin niyang naging sila ni Louise.

Anyway, pareho nang nakapag-move on sina Louise at Aljur at pareho nang masaya sa buhay nila. Tuloy ang kani-kanyang career at heto nga, sa Viva Films movie na showing sa February 6 kung saan si Xian Lim ang kanyang leading man.

Break-up movie ang Hanggang Kailan at sabi ni director Bona Fajardo, ‘pag pinanood ang Hanggang Kailan, malalaman kung bakit kailangang lumipad pa-Japan ang mga katakter nina Xian at Louise.

Kung bakit doon pa sila nag-break sa Saga, Japan at kung bakit may love scene pa sila bago mag-break. Pati title ng movie, masasagot ‘pag pinanood ang pelikula.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with