^

PSN Showbiz

Year of the Earth Pig swak sa pag-ibig at payapang relasyon

Pilipino Star Ngayon
Year of the Earth Pig swak sa pag-ibig at payapang relasyon
Hanz Cua

Asahan ang pagpasok ng swerte ngayong bagong taon partikular na sa larangan ng pag-ibig para sa mga ipinanganak sa mga taong compatible sa Pig—ang Rabbit, Sheep, at Tiger—ayon sa librong Chinese Astrology 2019: The Year of the Earth Pig mula sa Feng Shui master na si Master Hanz Cua.

 “Ang year na ito ay umaayon sa mga nais magpakasal, lalo sa Pig at Tiger,” pagbabahagi ng Umagang Kay Ganda Chinese astrology expert sa new year guide mula sa ABS-CBN Publishing.

Bukod sa pag-ibig na magiging laganap ngayong 2019, magbubunga rin ng mga positibong pangyayari ang iba’t ibang klase ng relasyon, tulad na lang sa business partner, kaibigan o di kaya ay ka-trabaho.

“Maraming mga aangat sa buhay, career, o pag-ibig sa taon ng Pig,” ayon sa fortune forecast ni Master Hanz, na nagsasabing kahit ang incompa­tible signs ng Pig ay may mga oportunidad, tulong, at maraming trabaho na malalasap, masunod lamang ang mga Feng Shui cures o pangontra sa kamalasan na nakasaad sa libro.

Nag-aral ng Feng Shui disciplines sa Malaysia, Singapore, China, Hong Kong at iba pang bahagi ng mundo ang  Chinese Astrology 2019 author. Bahagi ng mga serbisyong ibinibigay niya ang psychic tarot card reading, aura reading, home and office Feng Shui, palm at face reading, space clearing, at iba pa. Nagbibigay din siya ng on-air consultations at Feng Shui advice sa isang segment sa DZMM. 

Samahan si Master Hanz sa paglulunsad ng kanyang Chinese Astrology 2019: The Year of the Earth Pig book ngayong Sabado (Enero 19), 4 PM sa National Book Store - TriNoma. Mabibili ang libro sa leading bookstores nationwide sa halagang P250. 

vuukle comment

HANZ CUA

HE YEAR OF THE EARTH PIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with