^

PSN Showbiz

Julia hinihintay magsalita sa engagement nila ni Coco

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Julia hinihintay  magsalita sa engagement  nila ni Coco
Julia at Coco

Nauna nang napabalitang nasa interesting stage o buntis si Julia Montes na hindi niya binigyang pagpapahalaga kaya dinedma na lamang at hindi binigyan ng reaksyon pero, siguro ngayon ay magri-react na ito dahil ipinapalagay ng lahat ng nakakakita sa suot niyang singsing na isang engagement ring ito mula sa hinihinalang boyfriend niya na si Coco Martin. Tahimik lamang at walang maibigay na sagot  ang dalawang bituin na sangkot sa isyu.

Samantala, sa show lamang ni Vice Ganda nalaman na nagkaroon pala ng romantic involvement ang sinasabing boyfriend ni Julia sa isang mi­yembro ng Sexbomb na nagngangalang Cheche. Bago naging isang sikat na aktor si Coco Martin ay naging regular ito sa serye ng mga seksing dancer ng Eat Bulaga na Daisy Siete. Nag-partner sila dito ni Sunshine Garcia na isa sa mga Sexbomb na aktibo pa rin sa kanyang karera sa showbiz pero, hindi bilang dancer kundi bilang artista.  

Dyowa ni Paulo type rin umarte 

Nakilala na rin finally at nakita ang girlfriend ni Paulo Avelino of two years na si Jodie Tarasek. Hindi naman ikinakaila ng magaling na aktor ang relasyon nila ng Fil-Australian beauty na magsisilbing host ng mga sports event ng Kapatid network o TV5, ang Action TV na naging 5 Plus na simula kahapon.

Pagiging host ang unang sasabakan ni Jodie at iiwan ang pag-a artista sa kanyang nobyo pero, hindi niya sinasarhan ang kanyang puso na baka mag-artista din siya dahil may mga offers pero, sisiguruhin muna niyang equipped muna siya ng mga requirement para maging isang artista. Smooth ang relasyon nila ni Paulo sa kabila ng pagkakaro’n nito ng anak sa pagka-binata.

Bong nakakapagbayad na

Naging bentahe pa sa dating senador na si Bong Revilla ang ginagawa niyang pag-iikot ng bansa para magpasalamat sa lahat ng sumuporta at tumulong sa kanya sa apat na taong pagkakapiit niya sa PNP Custodial Center. Hindi man sila personal na nakadalaw sa kanya sa Camp Crame, nagawa naman nilang maiparam­dam sa kanya ang kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng text messages, sulat o dalaw. Sinasamahan si Bong ng kanyang misis na si Lani Mercado at kung ubra sa sked nila ay ng kanyang mga anak pero, palagi ang apo niya kay VG Jolo Revilla na si Gab.

Alessandra ‘nasira’ kay  Piolo 

Ayaw ni Alessandra de Rossi ng kissing scene sa movies niya. Pero, siya mismo ang humalik kay Piolo Pascual sa labi sa isang pakikipag-harutan dito habang maghihintay sila na masimulan ang trabaho nila sa isang proyekto. Napapangatawanan ni Alex ang limitasyon na itinalaga niya para sa sarili niya sa kanyang trabaho. Hindi naman nababawasan ang pagiging effective niya bilang artista at nagawa pang ma-establish ang sarili niya bilang isang mahusay na aktres.

vuukle comment

COCO MARTIN

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with