^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad na super kuda sa female personality NA walang nakuhang kakampi, kinabubuwisitan na

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung dati’y iniintindi pa ng ating mga kababayan ang isang lalaking personalidad na kuda nang kuda, ngayon ay kinabubuwisitan na siya, dahil sa sobra niyang pagkuda at pagdadamay ng kung sinu-sino para lang ilaglag ang kalaban niyang female personality.

?Hindi na nagugustuhan ng mga netizens ang paulit-ulit niyang pang-uupak sa female personality, nakikisawsaw rin sa kanyang laban ang mga kadugo niya, ginagawa nilang diary ang social media sa pag-aakalang makakakuha sila ng mga kakampi.

?Kuwento ng aming source, “Du’n sila nagkakamali. Habang dada sila nang dada, nag-uumpisa nang mabuwisit sa kanila ang mga netizens. Kasi nga, puro nega ang sinasabi nila against sa babaeng kalaban nila.

?“Alam n’yo naman dito sa Pinas, may tinatawag na overkill. Kapag sobra na ang pang-aalipusta ng tao sa kapwa niya, mababaligtad na ang kuwento!

?“Sa kanya na maiinis ang mga netizens dahil sobra-sobra na ang pagkuda niya na nakaiirita, sa totoo lang!” nakairap na reaksiyon ng aming impormante.

?At sa pag-upak ng male personality sa kanyang kalaban ay kung sinu-sino pang mga dating katrabaho ng girl ang idinadamay niya. Umaalma tuloy ang mga taong ‘yun.

?Balik-kuwento ng aming source, “Akala nga siguro niya, e, makakakuha siya ng kakampi sa mga taong tinutukoy niya. Kaso, baligtad ang nagiging reaction ng mga taong idinadamay niya!

?“Umaalma sila, ni hindi nga naman nila kilala ‘yung nangdadamay sa kanila, e! Sino nga ba naman siya para maglitanya ng mga kuwentong wala namang katotohanan? Natural, maraming nabubuwisit sa kanya ngayon!

?“Magtigil na kasi siya! Nakakaumay na ang mga litanya niya! Hindi na siya nakakatuwang basahin sa mga hanash niya dahil sumosobra na siya!

?“Kung totoo ang mga kuwento niya, e, hintayin na lang nila ang resulta ng imbestigasyon! Meron naman, di ba? ‘Yun na lang ang antabayanan niya kung mananalo siya!

?“Nagkamali sila sa pag-aakala na mas marami silang inilalabas na kapintasan du’n sa female personality, e, maipapanalo na nila ang laban!

?“Tama na! Nakakaumay na sila! Ibang putahe naman sana ang ilabas nila at baka sakaling maniwala sa kanila ang mga netizens!” parang nasusuka nang pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

June Mar nakakabilib ang pagmamahal sa mga magulang

Ikalawang mundo namin ang basketball. Nagsimula ang pagkahilig namin sa larong ito dahil kay dating Senador Robert Jaworski, ang The Living Legend, dating idolo lang ng aming mga magulang na nang lumaon ay naging kapamilya na namin.

?Wala kaming pinalalampas na laban ng Ginebra San Miguel, kasama kami sa Tropang NSD (Never Say Die), na nag-ugat din sa tapang at disposisyon ni Jaworski.

?Kinaiinisan namin ang mga players na nananakit nang pisikal sa mga miyembro ng Ginebra, kung anu-anong salita ang binibitiwan namin sa mga balyador nilang kalaban, pero may isang basketball player kaming itinatangi.

?Si June Mar Fajardo. Ang kapreng manlalaro ng San Miguel Beer. Bagito pa lang kasi si June Mar sa SMB ay nabasa na namin ang kuwento ng kanyang buhay. Anak-mahirap siya, pumapasok nang walang baon, dahil ang kinikita ng kanyang ama sa pamamasukan sa iba-ibang trabaho ay kulang pa sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

?At malinis siyang maglaro, hindi mo iisipin na may masama siyang intensiyon kapag bumabagsak ang kabantayan niya, physical game ang basketball na lang ang tatanggapin mong dahilan kapag ganu’n.

?Sa kasaysayan ng basketball sa Pilipinas ay si June Mar Fajardo lang ang pinarangalang MVP ng PBA nang limang sunud-sunod na taon. Siya lang. Nu’ng nakaraang Linggo nang gabi ay tinanggap niya ang ikalimang MVP award niya.

?Lalong tumining ang paghanga namin kay June Mar nang sabihin niyang, “Puwede ko po bang tawagin dito ang mga magulang ko?” Pumagitna sina Mang Bonifacio at Aling Maritess sa napakasimple nilang gayak.

?“Sila ang dahilan kung bakit lumaki ako. Hindi ko man sila kasinglaki, pinalaki nila kami nang maayos ng kapatid ko,” mapagkumbabang pahayag ng star center ng SMB.

?Matanaw ng utang na loob at mapagpahalaga sa kanyang mga magulang si June Mar. Hindi kami nagkamali sa paglilista sa kanyang pangalan sa a­ming puso, hindi nasayang ang paghanga namin sa kanya, dahil sa kabila ng kanyang tagumpay bilang basketbolista ay palaging nasa puso ni June Mar Fajardo ang kanyang pamilya.

?Mabuhay si The Kraken!

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with