^

PSN Showbiz

Angel nawalan ng tiwala sa sarili, muntik mag-resign sa abs-cbn

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angel nawalan  ng tiwala sa sarili, muntik mag-resign sa abs-cbn
Angel

Muntik na muntik nang i-give up ni Angel Locsin ang kanyang career matapos makaramdam ng pagkadismaya sa sarili.

Ito ang naging revelation ng actress sa intimate interview para sa eere niyang serye na The General’s Daughter the other night.

Yup, nag-submit na raw siya noon ng resignation letter kay Mr. Carlo Katigbak (President and CEO of ABS-CBN), pero pinigilan siya.

Aniya, grabe ang nararamdaman niyang disappointment  noon sa sarili dahil nga hindi niya nagawa ang inaasahan sa kanyang trabaho.

“Nawala ‘yung tiwala ko sa sarili ko,” sabi niya sa mga kaharap na reporter.

Aminado si Angel na nawasak siya noong 2016. Hindi siya nag-particular ng rason, pero hindi nun natuloy ang Darna dahil sa kanyang spine injury matapos ang mahaba niyang training para sa pelikula. At kinailangan pa niya noong magpagamot sa Singapore.

Ito rin ‘yung taon kung saan sila naghiwalay ni Luis Manzano matapos ang bakasyon nila sa Amerika.

The following year, 2017 nang tuluyan na niyang i-give up ang Darna. Binigay ‘yun ng Star Cinema kay  Liza Soberano pero hanggang ngayon ay hindi pa natutuloy.

Pero sa kabila ng pinagdaanan niya, hindi siya iniwan ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Hindi rin siya pinayagang mag-resign ng mga bossing ng ABS-CBN at doon siya nakabangon.

Ayon kay Angel, kinausap siya at tinanong kung ano ang gustong gawin ng mga bossing ng Kapamilya Network.

At doon niya na-realize, na kahit gusto na niyang mag-give up kung may mga taong naniniwala sa kanya, kakayanin niya.

Nauna nang nag-post si Angel ng : “2015 challenged me. 2016 broke me. 2017 changed me. 2018 opened my eyes. 2019 I’M COMING BACK” na ‘yun pala ang pinanggalingan.

 Last year nang dumating sa buhay niya si Neil Arce at ang offer ng Dreamescape na The General’s Daughter na mapapanood na nga starting January 21 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Kaya asahan ang mas matapang at mapangahas na Angel sa kanyang bagong serye dahil babawi siya, muli niyang ipapakita ang husay niya pagdating sa action-drama sa maaaksyong fight scenes. Pero gwardyado ang bawat galaw niya dahil nga sa iniindang sakit sa likod.

Kilalang malakas ang loob ni Angel sa mga stunt at ayaw niyang nagpapa-double.

Anyway, makikipagsabayan din siya sa mga beteranong aktor gaya nina Maricel Soriano, Tirso Cruz III, at Albert Martinez.        

Makakasama rin ni Angel sa The General’s Daughter sina Eula Valdez, Janice De Belen, Paulo Avelino, JC De Vera, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Ronnie Alonte at Loisa Andalio. Magkakaroon din ng espesyal na partisipasyon sa serye ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with