^

PSN Showbiz

Young actress na naghangad ng magandang exposure, nganga sa nilipatang network

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pagpansin ng mas nakararami ay nababantilawan ang career ng isang young actress na nakilala sa isang istasyon. Nang magdesisyon siyang lumipat ay dalawang istasyon ang kanilang kausap.

May mga nakahanda nang proyekto para sa kanya ang isang network, pagpirma na lang niya ng kontrata ang kailangan para makapagsimula na siya, pero nagulat ang mga ehekutibo nang sa kabila siya pumirma ng kontrata.

Kuwento ng aming source, “Nakakapanghinayang siya. Malaki ang potential niyang mas makilala pa, maganda siya at magaling umarte. Marami ngang nagsasabi na pang-beauty queen pa ang porma niya.

“Nilatagan na siya ng projects ng unang network na kinausap nila ng pa­rents niya, konting-konting panahon na lang ang ipaghihintay niya, pero biglang nagbago ang decision nila,” simulang kuwento ng aming source.

Exposure daw ang hinangad ng mga magulang ng young actress, kilalang-kilala raw kasi ang mga artistang nagtatrabaho sa mas pinili nilang network, pero ang tanong ay nabibigyan ba naman ng magagandang proyekto ang young actress?

“Nasilaw sila sa exposure, hindi nila naisip na sangkatutak na ang mga alagang artista ng pinili nilang istasyon. Punumpuno na ang bus, siksikan na, wala na siyang mapupuwestuhan kahit tumayo na lang siya.

“At ganu’n nga ang nangyayari, di ba? Nabibigyan siya ng trabaho, pero hindi naman siya napapansin. Isa lang siya sa marami, hindi tulad ng offer sa kabilang network na siya talaga ang bida. Sa kanya iikot ang istorya.

“Sayang, dahil kaya niya namang makipagsabayan sa mga artista ng network na mas pinili niya, pero dahil nga sa dami nila, e, napakarami nilang nag-aagawan sa kakaunting projects.

“Sana, mas pinili na lang nila ang unang network na kinausap nila, kasado na ang mga gagawin niya, pormalidad na lang ang kulang, pero mas pinili pa nila ang kabilang istasyon.

“Palagi kasi nating naririnig na grass is greener daw on the other side of the fence. Sana nga. Sana nga, e, nangyayari ‘yun sa lahat ng pagkakataon.

“Paano kung hindi naman pala luntian ang kulay ng damo sa bakurang ‘yun para sa kanya? Paano kung naging asul?” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Bong laging bumabalik sa isip ang nangyaring pangwawasak ng mga kalaban

Sa pamamagitan ni Kabsat Portia Ilagan ay nainterbyu namin sa Cristy Ferminute si dating Senador Bong Revilla, Jr. nu’ng Miyerkules nang hapon.

Isang salu-salo ang iniregalo sa kanya ni Mother Lily Monteverde kasama ang mga press people, sabik na sabik na siyang makausap ng mga reporters dahil hindi naman lahat ay nabigyan ng pagkakataong madalaw siya nu’n sa PNP Custodial Center, kaya walang nasayang na panahon sa kanilang tanungan-sagutan.

Good afternoon pa lang ang nasasabi ni Senador Bong ay sunud-sunod nang text messages sa FB Live ang tinanggap namin. May mga mensaheng galing pa sa iba-ibang bansa, kinilabutan daw sila nang marinig ang boses ni Senador Bong, ang kanilang idolo.

Maligaya na siya ngayon dahil kapiling niya na ang kanyang pamilya na halos limang taon na ipinagdamot sa kanya pero hanggang ngayon ay parang masamang panaginip pa rin para sa aktor-pulitiko ang kanyang pakiramdam kapag bumabalik sa kanyang isip ang maglilimang taon niyang pagkakulong.

“Napakaigsi lang ng buhay ng tao, pero kinuha pa nila ang halos limang taon ng buhay ko, napakalungkot. At hindi lang ‘yun. Bago nila ako ipinakulong, mahigit na isang taon muna nila akong winasak-wasak, siniraan, talagang lahat ng paninira, natikman ko,” emosyonal na pahayag ni Senador Bong.

Pero laging may nakatakdang panahon ng rebelasyon, pinatunayan ng Sandiganbayan na wala siyang kasalanan, hindi siya nagkasala sa batas at wala siyang ninakaw na pera ng bayan o ninuman.

Nag-iikot na uli siya ngayon sa ating bansa, minsan pa ay humihiling siya ng tiwala sa ating mga kababayan para makabalik siya sa Senado sa darating na halalan, isang kahilingan na hindi na siya mahihirapang tanggapin dahil marami na siyang napatunayan at nagawa bilang serbisyo-publiko.

Mataas ang kanyang rating sa mga survey. Isang malinaw na barometro ‘yun para malaman natin na buung-buo pa rin ang kanyang dignidad at kredebilidad sa pananaw ng ating mga kababayan.

vuukle comment

JR.

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with