^

PSN Showbiz

Bong may trauma sa mga pulis!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Guwapo pa rin naman ang dating senador na si Bong Revilla na pinag­handa ng matriarka ng Regal na si Mother Lily Monteverde para muling makapiling ang mga kagawad ng entertainment media at mapasalamatan sila sa kanilang walang pagod na pagsuporta sa kanya, maging sa apat na taong pagkakakulong niya sa PNP Custodial Center sa Crame.

Obvious na malaki ang naging epekto ng pagkakakulong ni Bong dahil umimpis at naging hapis ang kanyang mukha, bukod pa sa malaki ang ipinayat niya sa kabila ng sinabi niyang ang maraming panahon niya ng pagkakakulong ay nagbigay sa kanya ng panahon para ilagay sa ayos ang kanyang pangangatawan sa pamamagitan ng workout at pagbabasa ng Bibliya. Naging masaya at makahulugan ang more than four years na pagkakapiit niya.

Nanatiling buhay ang kanyang pag-asa na lalabas din ang katotohan na siya namang nangyari bagaman at inaamin niya na nagkaroon siya ng malaking trauma kapag nakakakita siya ng pulis. Hindi bumababa sa 100 pulis ang kasama niya sa tuwing mayroon siyang hearing o kaya’y pinapayagang dumalo sa ilang events ng kanyang pamilya.

“Hindi n’yo maiaalis na magkaro’n ako ng bitterness sa dibdib pero, nang sabihin ng aking ama na kailangang magpatawad na ako ay parang isang boses ng Diyos ko siyang sinunod, “ pag-amin ng masigla nang aktor/pulitiko na bukod sa pagtatangkang mabalikang muli ang kanyang gawain bilang senador na ipinagmamalaki niyang nakagawa rin naman siya ng mga batas na pinakikinabangan ng mara­ming mamamayan ngayon ay nangakong  sa susunod na Metro Manila Film Festival ay makakasali  na siya.

Ipinagdiwang niya ang Kapaskuhan kasama ng kanyang pamilya at namudmod ng Pamasko sa mga kababayan nila sa Cavite.

GMA ayaw pang pagtambalin uli sina Alden at Maine?!

Okay Kay Alden Richards na gawin ang Pinoy version ng matagumpay na Korean novel na Descendants of the Sun. Wala ring problema kung sila ni Maine Mendoza ang magkasama sa trabaho, katunayan ay welcome sa kanya ang pagtatrabaho nilang muli nang magkasama pero tila ang network nila na GMA 7ang atubiling ibigay sa kanila ang serye. Gusto ng Kapuso Nework ay sa drama siya ibalik dahil isang aksyon na ang kanyang nagawa, ang Victor Magtanggol.

Hinihintay na lamang ng Pambansang Bae ang magiging pinal na desisyon ng GMA tungkol dito.

Ken kakanta na rin!

Umayon ang nakalipas na holidays kay Ken Chan at sa serye niyang My Special Tatay. Nagsimula ang pamamayagpag ng serye niya sa GMA nung araw bago mag-Pasko.

Isa na ring ganap na recording star si Ken Chan dahil may kontrata na siya sa GMA Music. Ito ay para sa duet nila ni Rita na Almusal. Si Rita ang love interest ni Ken sa top-rating Afternoon Prime soap nila.

Paul at Mika nagsama na sa GMA

Nasa GMA na si Paul Salas. Kasali siya sa seryeng Kara Mia at magkatambal sila ni Mika dela Cruz. Ang tandem nila ay nagsimula sa ABS-CBN na mapapakinabangan ngayon ng GMA dahil mayroon na silang nabuong malaking following.

Kasama rin sa serye ang dati ring Kapamilyang si Gina Pareño. First project ito together ng totoong magdyowang Barbie Forteza at Jak Roberto.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with