^

PSN Showbiz

Angeline kinondisyon ang sarili sa Traslacion

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Angeline kinondisyon ang sarili sa Traslacion
Angeline

Naka-text ko ang manager ni Angeline Quinto na si Erickson Raymundo kamakalawa lang, at kinokondisyon daw si Angeline para makasali siya sa Traslacion kinabukasan.

Masama raw ang pakiramdam ni Angeline nung araw na iyun, pero pipilitin daw niyang makasama sa procession at makasampa sa Andas.

Nung gabing iyun lang na-contact ng mga taga-Cornerstone si Angeline, pero kahapon ay hindi na dahil down ang signal sa Maynila.

Kaya hindi raw nila alam kung natuloy ba sa pagsampa sa Andas ang singer/actress.

Taun-taon kasi ito ginagawa ni Angeline na ayaw daw niyang maputol dahil  panata na niya ito.

Kahit nga si Coco Martin ay ginagawa rin ito, pero hindi nga lang siya nakakasama sa Traslacion.

Kahapon ng madaling araw ay nagsadya na si Coco sa Mahal na Poong Nazareno para magdasal.

Ayaw din daw niyang maputol ang panatang ito na talagang isinisingit niyang makapagdasal at mahawakan ang Black Nazarene.

Sa totoo lang, wala na raw silang hinihiling pa kundi mas nagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biya­yang natamo nila.

Bong pinag-iinteresan sina Maine, Pia, at Catriona

Kahit matindi ang traffic papuntang Greenhills, sinuong ito ng mga movie press na imbitado sa meet the press na ginawa ni Mother Lily Monteverde para sa dating Sen. Bong Revilla.

Ginanap ang pa-lunch para kay Sen. Bong kasama ang mga kaibigang movie press sa Gloria Maris kahapon at sobrang touched ang actor/politician kay Mother Lily dahil talagang nag-effort ito para sa pa-welcome sa kanya.

Nagpakuha pa si Mother Lily ng violinist para sumabay sa pagtugtog niya ng keyboard.

Tinugtog ni Mother ang kantang There’s No Place Like Home pagpasok ni Sen. Bong sa venue.

Nagbigay ng mensahe si Manay Ichu Vera-Perez Maceda at si Mother ang nagbigay ng welcome address para kay Sen. Bong.

Pinipigilan na lang ni Sen. Bong na maluha sa magandang pag-welcome sa kanya ni Mother Lily kasama si Manay Ichu.

Ibinahagi na rin ni Sen. Bong ang malungkot na pinagdaanan niya sa loob ng Camp Crame, pero inamin niyang ang pinakamalungkot talaga na pinagdaanan niya ay yung isang taon bago siya na-detain sa Camp Crame.

Sobrang torture raw sa kanya iyun na hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan niya.

Meron pa raw nagti-text sa kanya na hindi niya alam kung kanino nanggaling.

Sinasabihan daw siyang kumain lang nang kumain at magpataba dahil malapit na siyang makulong.

Ngayon ay napatunayan na raw at lumabas naman ang katotohanang wala siyang kasalanan, kaya pinatawad na raw niya ang lahat na gumawa nito sa kanya.

Iniiwasan muna ni Sen. Bong na pag-usapan ang political plans niya, kaya mas sa showbiz ang napapag-usapan.

Gusto raw niya talagang makasali na siya sa susunod na Metro Manila Film Festival, kaya ngayon pa lang ay naghahanap na raw siya ng magagandang material.

“Everytime kasi napapanood ko sa TV yung tungkol sa Metro Manila Filmfest, naluluha ako eh, dapat nandun ako eh.

“Every parade nagbi-best float pa tayo eh,” napapangiting pahayag ni Sen. Bong.

Tinanong siya kung sino ang gusto niyang maka-partner sa isang pelikula, sina Catriona Gray, Maine Mendoza at Pia Wurztbach ang binanggit niya.

Nabanggit din ni Manay Lolit Solis na committed daw si Sen. Bong ng isang pelikula sa Star Cinema. Tutuparin daw iyun ni Sen. Bong pero hindi pa alam kung ano ang gagawin niya.

Hindi rin niya masasagot pa sa ngayon kung iyung Alyas Pogi ba ang gagawin niya, kahit may teaser nang lumabas.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with