^

PSN Showbiz

Mommy ng sikat na aktor walang magawa sa mga panlalait ng mga nagpapatakbo sa career ng anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matindi pala ang sama ng loob ng isang female personality sa mga taong nakapalibot sa kanyang sikat na anak. Hindi lang siya makapalag dahil baka mapag-initan ng mga taong ‘yun ang anak niya at mawalan ng mga tagahanga.

Alam ni mommy sa kanyang sarili na ang mga taong ‘yun ang bumubuhay sa career ng anak niya, kaya kapag nainis ang mga taong ‘yun, baka biglang sumemplang na ang mga proyekto ng mahal niyang binata.

Kuwento ng aming source, “Paano naman hindi sasama ang loob niya, e, kung anu-anong masasakit na salita ang nakararating sa kanya? Kesyo ginagawa raw na palabigasan ng family niya mismo ang anak niya?

“Mga taga-PAL daw sila at ang kanyang pamilya, as in, mga palamunin daw sila! So, sino naman ang matutuwa sa mga ganu’ng salita? Kung ang anak nga niyang nagpapakamatay sa pagtatrabaho, e, hindi nagrereklamo, ang mga taong ‘yun pa ba naman ang manghihimasok sa buhay ng family niya?

“Naglabas siya ng sama ng loob sa mga ka-close niya, masamang-masama ang loob ni mommy, hindi lang talaga siya makakilos dahil ang inaalala niya, e, ang career ng anak niya na pinagkukunan nila ng kabuhayan showcase nila!” unang kuwento ng aming impormante.

Masyado kasing clannish ang ina ng sikat na aktor. Parang orphanage ang kanilang bahay dahil sa dami ng mga kamag-anak ng female personality na sa kanila nakatira.

“Hindi lang ganu’n. Marami na ngang nakatira sa kanila, e, sagot pa rin ng female personality ang lahat ng mga pangangailangan ng angkan niya! Hindi naman nagrereklamo ang anak niya, pero siyempre, may mga taong nagmamalasakit sa anak niya.

“’Yun ang grupong nagpapaalala sa sikat na aktor na matutong magtabi ng pera, matuto raw siyang mag-ipon, dahil hindi naman sa lahat ng panahon, e, nasa itaas siya.

“Ikinasasama ‘yun ng loob ng mommy niya, alangan daw namang pabayaan niya na lang ang pamilya niya? Kung ibang tao nga raw na lumalapit sa kanya, e, binibigyan niya ng tulong, ang pamilya niya pa kaya ang hindi niya susuportahan?

“Ay, masamang-masama talaga ang loob niya, pero hindi siya makahirit, dahil kapag ginawa niya ‘yun, e, baka biglang mawalan ng career ang son dearest niya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Enchong mas busy sa pakikisawsaw sa pulitika

Maraming humahanga sa lakas ng loob ni Enchong Dee para ilabas ang kanyang mga saloobin sa social media. Mabibilang sa ating mga daliri sa kamay at paa ang mga personalidad na nagpapakatotoo.

Pero kadalasan, ang mga artistang nakikisawsaw sa mga isyu ng bayan ay nalalagay sa alanganing lugar, sila ang binabalikan ng bira at upak ng mga netizens.

Tulad na lang ni Enchong Dee na kapag may mainit na isyung pinag-uusapan tungkol sa mundo ng pulitika ay nakikisali. Sa halip na sentruhan ni Enchong ang kanyang career ay lumulundag siya sa ibang bakod.

Naglalabas siya ng opinyon, sinasabi niya ang kanyang nararamdaman, kaya maraming grupo ang namba-bash sa kanya. Kung may mga fans ang mga artista ay meron din siyempreng sariling balwarte ang mga pulitikong inoopinyunan nang negatibo ni Enchong.

Nagbigay ng komento ang kaibigan naming propesor, ang kanyang sabi, “Gusto ko ang pagiging totoo ni Enchong. Karapatan niyang mag-opinyon bilang mamamayan ng ating bayan.

“Nagbabayad siya ng tax, may kalayaan siyang pansinin ang mga politicians na sa kanyang palagay, e, hindi naman nagtatrabaho at nagpapayaman lang.

“May freedom siyang gawin ‘yun, walang krimen sa ginagawa niya, but in the long run, sa kanya babalik ang mga sinasabi niya. At sana rin, nagta-translate positively sa career niya ang pagiging bukas niya sa pagpuna sa mga pulitiko!

“Pero marami siyang bashers, maraming umaaway na grupo ng mga pulitiko sa kanya. Aminin natin, hindi manonood ng mga pelikula niya ang mga taong pinupuna niya.

“Nakakahanga siya bilang artista, wala siyang pakialam sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng iba, but he has a career to protect. Maliban na lang kung gusto na niyang iwanan ang pag-aartista niya at magpupulitiko na lang siya!” mahabang komento ni prop.

vuukle comment

ENCHONG DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with