^

PSN Showbiz

Pelikula ni Gen. Bato ‘di pa puwedeng ipalabas!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Pelikula ni Gen. Bato �di pa puwedeng ipalabas!

Sayang at tila kakaunti lamang ang nakakita kay Robin Padilla na kalbo. Pumayag ito na magpaahit ng ulo para sa role niya bilang Gen. Ronald Bato dela Rosa para sa pagsasapelikula ng buhay nito. Sayang nga lamang kung aabot pa ang pelikula sa panahong puwede pang gumawa ng movie ang ilang personalidad na lalahok sa eleksyon. Isa si Bato sa tatakbo bilang senador sa halalan.

Wala man ito sa movie pero, buhay niya ang tinatalakay sa istortya kaya di ito mapapayagan na maipalabas dahil para na ring pangangampanya ito. Maghihintay na lamang ang prodyuser ng movie na si Arnold Vegafria ng tamang panahon para maipalabas ang pelikula. Si Vegafria ay manager ng maraming artista tulad nina Megan Young, Carla Abellana, Sunshine Cruz, Martin del Rosario, Kiko Estrada at marami pang iba. Nasa direksyon ni Adolf Alix, Jr. ang biopic ng sikat na heneral.

Luis nadiskubre ang pagiging generous sa I Can See...

I feel sad para sa pagkawala ng I Can See Your Voice na mahigit isang taong nagpasaya sa maraming manonood ng TV. Hindi lamang ang kagali­ngan ng host na si Luis Manzano ang nagpasaya sa palabas kung hindi ang presence din ng mga Singvestigators na sina Kean Cipriano, Angeline Quinto, Alex Gonzaga, Wacky Kiray, Bayani Agbayani, Maestro Andrew E. and, lately, sina Karen Kaladkarin, Juliana Farezcova at Brod Pete na hindi pala tumutulong sa mga guest kung hindi ginugulo lang sila. 

Sa kabila ng iba-iba nilang pag-uugali, nakita kung paano nagsimula ang camaraderie at brotherhood ng mga nasa show.

Nakakatuwa din na sa kauna-unahang pagkakataon nakita’t nakilala ang mga walang boses at sintunado, at binabayaran pa sila. Nakita rin sa show ang generosity ni Luis na marami ang natulungang mga kalahok. 

I will surely miss the show, and Luis Manzano. Naiiyak ako sa kanilang pamamaalam.

Carol in demand pa rin sa Amerika

Hindi lang isang ganap nang nurse si Carol Banawa. Tinapos niya ang kurso niya sa Amerika bilang summa cum laude, ang pinakamataas na karangalan na tinatanggap ng isang nagtatapos ng kanyang kurso. Nagbunga rin ng maganda ang ginawa niyang pag-iwan sa kanyang karera bilang singer at artista.

Pero, kahit naman sa US ay nagagawa niyang kumanta. Marami siyang imbitasyon dahil bago naman siya umalis dito ay sikat na naman siya at marami nang natatanggap na awards. Kasama siya sa cast ng isa sa pinakamagandang pelikula na ginawa ng Star Cinema, Tanging Yaman.

Bong babalikan na rin ang pagpo-produce

Si Bong Revilla naman ang nakatakdang magbigay ng belated Christmas celebration at thanksgiving party sa maraming kagawad ng media na hindi tumigil ng pagsuporta sa kanya kahit na nung nasa PNP Custodial Center pa siya.

Kasalukuyan nang pinaghahandaan ng mga Revilla/Bautista ang nasabing pa-party. Matagal ding na-miss ng press people ang dating senador na nakatakda na namang balikan ang kanyang posisyon sa Senado sa darating na halalan.

 Inaasahan ni Bong na makukuha pa rin niya ang suporta nila sa gagawin niyang pagbabalik sa kanyang pag-aartista at pagpo-prodyus ng pelikula.

Alden nagpa-birthday!

Si Alden Richards ang may birthday pero siya pa ang nagpamigay ng regalo sa ginanap na birthday celebration cum thanksgiving cum Christmas party sa ginanap sa sarili niyang restaurant na Concha’s Garden sa Scout Madrinan. Bumaha ng cash sa pa-raffle ng Pambansang Bae mula P1000, P2000, P5000, P10000 at P20000. Naambunan pa kami ng tig-P500 ng grand winner na si Nits Miralles na naawa sa mga luhaan niyang colleagues. Bago siya at ang pa-raffle, nagpamudmod din si Manay Lolit Solis sa mga senior na kapatid niya sa pagsusulat. Ang bait naman niya.Dati ring namimigay sa mga babaeng kasamahan niya sa media sina Ricky Lo at Jobert Sucaldito. Pass muna sila this year. Alden’s event ay isa sa pinakaabangan ng media tuwing Kapaskuhan. 

 Muli, salamat Alden. Merry Christmas and happy birthday!

Ken naka-jackpot nung pasko

Umayon ang Kapaskuhan kay Ken Chan at sa serye niyang My Special Tatay. Expected ng Kapuso actor na hindi napag-iiwanan ang serye niya ng kasabay na palabas ng kalabang istasyon pero, hindi niya inakala na maiiwan niya sila ng malayo ayon sa report ng Nielsen Philippines TAM.

Gusto marahil ng manonood ang ginagawang paghahanap ni Boyet (Ken) at ng baby niya kay Aubrey (Rita Daniela). Nalungkot sila na kung kailan dapat nagsasaya ang lahat dahil Pasko at saka naman wala si Aubrey. 

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with