^

PSN Showbiz

Sharon, Juday, at Jennylyn may labanan sa pelikula

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Sharon, Juday, at Jennylyn  may labanan sa pelikula
Sharon at Juday

Talagang pa­nga­ngatawanan ni Dondon Mon­­teverde ang pagga­wa ng mga pelikula nga­yong 2019. Pasabog ang mga pelikulang gi­na­gawa nila at gaga­win pa na magtatampok hindi lamang kay Erik Matti bilang direktor ng mara­ming nakaabang na pelikula kundi maging ng mga malalaking artista. Nagso-shooting na si Sharon Cuneta ng Kwaresma na sa titulo pa lamang ay alam mo nang  nakakatakot. Tampok naman si Judy Ann Santos sa The Passover, si Jennylyn Mercado sa Keepers at sina Christopher de Leon at Dennis Trillo sa On The Job 2. Si Erik ang direktor ng mga ito.

Ewan kung paano maisisingit ni Ricci Ri­vero ang paggawa ng The Happy Times ngayong nakatakda nang magsimula ang season ng UAAP kung saan manlalaro  siya ng UP Maroons. Si Brandon Vera ang bida sa Showboys na ididirek ni Kenneth Mandrilla. Tuloy na rin ang the Se­cond Coming ni Jet Leyco starring Jodi Sta Maria at Marvin Agustin.

Gagawin din sa kanila ni Bela Padilla ang Ultimate Oppa. Whewwww, ang dami! Matapos sa­nang lahat ito.

Angel reynang-reyna uli ang dating

I’m sure, elated si Angel Locsin na makaraang hindi  nakita sa telebisyon ng matagal-tagal ay panay naman ang pagpapakita ng trailer ng serye niyang The General’s Daughter ng ABS-CBN. Impressive ang trailer na nagpapakita kay Angel na umaarte kasama sina Albert Martinez at Tirso Cruz lll pero, kasama rin sa palabas sina JC de Vera, Paulo Avelino, Maricel Soriano, mga malalaki at mabibigat na artista pero, kapansin-pansin na si Angel ang wini-welcome sa palabas at binibigyan ng malaking pagpapahalaga. No wonder, loyal ang aktres sa kanyang network.

UNCUT NG BORN… mas inaabangan

Mukhang makakahadlang sa complete success sa box-office ng Born Beautiful ni Martin del Rosario na palabas na sa mga sinehan simula January 23 at magkakaroon ng uncut version sa January 18 sa UP. Siyempre, mas aabangan ito sa UP dahil uncensored ito. Ibig sabihin, mapapanood ang maraming eksena na hindi pinayagang makita sa commercial run nito. Hindi kaya na-anticipate ito nina Perci Intalan at Jun Lana? Buti na lang at limited lamang ang magiging audience sa UP. Yung mga hindi makakapanood ay magkakasya na lamang sa mga commercial theater. Tsk. Tsk. Tsk.

Sorry ni Tony, huli na!

Malaking epekto kay Tony Labrusca yung naging iskandalo niya sa NAIA na kung saan ay nagkaro’n siya ng hindi magandang encounter sa isang Immigration Officer. Nagsisigaw diumano ito nang malamang limitado lamang ang panahon na ipinagkaloob sa kanya para manatili ng bansa.  

Isa palang American citizen ang kontrobersyal na aktor na naging toyboy ni Angel Aquino sa isa nilang May-December movie. Nag-apologize man ang aktor, the harm has been done, nakita na’t nalaman ng lahat ang hindi niya magandang pag-uugali. Konswelo lamang niya ay maikli ang memorya ng fans, bukas makalawa ay limot na nila ang insidente.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with