^

PSN Showbiz

One Great... nina Kim at Dennis nakabangon sa takilya!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
One Great... nina Kim at Dennis nakabangon sa takilya!

Kinailangan pang lumabas ng bansa ni Kim Chiu para makapagpalamig at maka-get over sa kanyang na­ging loss. Pero, okay na siya ngayon lalo’t nabalitaan niyang humahamig na rin sa takilya ang pelikula niya na kung saan ay nagpasya siyang magpaka-daring at magbago ng image by tackling a role na hindi siya bihasa.

 

Ako at ang anak ko ay nagtangkang kumpletuhin ang pa­nonood ng lahat ng entry sa MMFF 2018 pero, naiwan pa rin ang One Great Love dahil hanggang sa last full show nung Miyerkules, January 2 ay sold out na ang mga tickets. Tatlo lang ang pinagtiyagaan naming panoorin na ang isa ay di pumasa sa aming panlasa pero, ang dalawa pa, ang The Girl in the Orange Dress at Mary, Marry Me were worth our time dahil naaliw kami ng mga ito.

Ang ganda ng movie nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola, pwedeng makabilang sa top 3 Best Movies pero, hindi ito pumasa sa panlasa ng mga taong napiling maging jurors, bakit kaya? Entertaining ang movie, maganda ang pagpapareha sa dalawang bida, mayroon silang chemistry.

Ang ganda ng registration sa screen ni Jessy and as usual, magaling ang performance ni Echo. Magagaling din ang apat na baba­eng nagsilbing support ni Jessy, sina Ria Atayde, Sheena Halili at ang dalawa pang gumanap ng BFF niya.

Masaya naman ‘yung Mary, Marry Me. OA sa simula si Alex Gonzaga. She almost stole the thunder from her sister Toni Gonzaga, lalo na dun sa madramang mga eksena nila. Alam mong kanila ang movie dahil may walk on part ang kilalang-kilala nang mother ng Gonzaga sister na si Mommy Pinty.

Andun din in all his cuteness ang panganay nina Toni at direk Paul Soriano na si Seve. Puno ang sinehan ng movie. Napansin ko lang na marami sa mga nanood ay may dala-dalang kumot, sobra kasing ginaw ang mga sinehan ngayon pero siguradong kakapit sa mga kumot nila ang napakaraming surot na nagpista sa aking puwit at hita. Dinig kong reklamo din ‘yun ng maraming lumabas ng sinehan. Tsk. Tsk. Tsk.

Nadine, tatlo-tatlo ang pinalit kay James

Sana ay suportahan si Nadine Lustre ng JaDine fans if only to prove na kaya niyang gumawa ng project minus James Reid. Hindi naman pwedeng sila na lang ang palaging magka-partner, magsasawa ang manonood. Sina Marco Gumabao, AJ Muhlach at Carlo Aquino ang mga love interest niya sa pelikulang Ulan na napapanood na ang trailer ngayon sa mga MMFF 2018 movies.

Kakalungkot lang na parang dadalawa lang ang magandang short films na napanood ko. But it’s alright, marami pang panahon para mapagbuti at mapaganda ng mga short filmmaker ang kanilang mga trabaho. 

Ronnie malaki ang tsansa kung aayos

Kung talagang paghuhusayan lang at pangangatawanan ni Ronnie Alonte ang kanyang karera at hindi mag-focus sa love, malayo ang mararating niya bilang artista. Mayro’n siyang height, nakakaarte at may looks na pwedeng bida at kontrabida.

Bentahe pa niya ang pagiging isang mahusay na dancer, mag-workshop pa siya para mas umangat pa ang akting niya. Gawin niyang inspiration ang lovelife niya at hindi sagwil sa kanyang pagtatagumpay. He is slowly being noticed, huwag na siyang magpabaya.

Online shopping hindi reliable

Tapos na ang Christmas pero, wala pa yung three blouses na inorder ko sa NewChic for my three biggest Christmas parties. Nang magtanong ako, I was told it would take time to be delivered since the garments would be coming from China.

Bakit hindi nila sinabi in the first place? In transit na raw ang mga damit, after almost a month of waiting na baka nga naman dumating in time for Valentine.

Ang masama sa ganitong online shopping, hindi mo na maka-cancel o mari-return ang mga inorder mo. Now I know better. 

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with