^

PSN Showbiz

Maine ayaw nang padikta sa fans, Alden tumapang na rin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Maine ayaw nang padikta sa fans, Alden tumapang na rin!

Type ko ang balita na mas magaan na ngayon ang pakiramdam nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil wala nang pressure at wala na rin masyadong mga negatibong bagay na laging nagbibigay ng bigat sa tambalan nila.

 

Good na parang nag-mature na rin ang kanilang followers na natanggap na ang katotohanan na dapat bigyan na sina Maine at Alden ng freedom to be paired with other stars.

Gusto ko ang ugali ni Maine na basta gusto nito na gawin, gagawin niya at hindi pumapayag na may magdikta sa kanyang mga kilos.

Medyo matapang na rin si Alden dahil pumapayag ito na ipareha siya sa iba.

Up to now, isa sa pinakamalakas ang tambalan nina Christopher de Leon at Vilma Santos, kahit sa tunay na buhay, iba ang mga naging love nila.

Puwedeng ganoon din sina Alden at Maine, malakas ang kanilang tambalan kesehodang iba ang mga mahal nila.

Kahit ano pa ang sabihin, malakas pa rin ang chemistry nina Alden at Maine. Iba ang electric voltage kapag sila ang magkasama kaya dapat na gawan pa rin sila ng project together dahil sure na magugustuhan pa rin ito ng manonood. Alden and Maine, together again, why not?

Mga pusher and user dapat mas bigatan na ang parusa

Nabasa ko kahapon ang headline ng PSN (Pilipino Star NGAYON) at PM (Pang-Masa) na sobrang lungkot ang idinulot sa akin dahil makikita talaga ang nagagawa ng bawal na gamot sa utak ng tao.

Imagine, ang sariling anak na pinatay ang nanay at tatay niya dahil sa epekto ng droga sa kanyang utak?

Hindi ba dapat itong isipin mabuti ng isang tao bago siya mag-umpisa na gumamit ng illegal drugs at maging addict?

Paano mo masisikmura na patayin ang sari­ling magulang nang dahil sa paggamit ng bawal na gamot?

Kahit paulit-ulit pa natin sabihin na masama ang epekto ng illegal drugs, mga bobo talaga ang may gusto dahil alam nila na walang maibibigay na kabutihan sa isip at katawan mo.

Masama ang mga nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot at bobo ang bumibili. Dapat talaga na mas matindi ang ibigay na parusa hindi lang sa mga nagbebenta kundi pati na rin sa mga user para mabawasan na sila dahil walang pusher kung walang user.

Mga dumi sila ng lipunan kaya dapat na sunugin sila na parang mga basura. Please save our country from drugs, please!

Bong lalong ginanahan

Magandang New Year’s gift para kay Bong Revilla, Jr. ang resulta ng latest survey tungkol sa mga senatorial candidate sa midterm elections sa May 2019.

Umakyat sa Number 7 sa survey ang name ni Bong buhat nang makalaya siya mula sa mahigit na apat na taon na pagkakakulong sa Camp Crame.

Para kay Bong, magandang senyales ang mataas na rating niya sa mga survey dahil patunay lamang ito na pinagkakatiwalaan pa rin siya ng ating mga kababayan sa kabila ng mga kasalanan na ibinintang laban sa kanya.

Lalong ginanahan si Bong na mag-ikot sa buong bansa para kumunsulta sa mga kababayan natin na buong-buo ang tiwala at suporta sa kanya. Hindi talaga nagkamali si Bong na mag-file ng kandidatura bilang senador habang nakapiit sa Camp Crame, kahit hindi niya alam kung makalalaya siya.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with