^

PSN Showbiz

Mga artista, mas nakakakilos sa malayo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga artista, mas nakakakilos  sa malayo
Xiam at Kim

Uso sa mga artista natin ang out-of-the country ang drama kapag Pasko at New Year. Bongga ang photos ng mga star na nasa abroad at enjoy sa kanilang holiday.

Type ko na parang ginaw na ginaw sina Kim Chiu at Xian Lim, Jessy Mendiola at Luis Manzano.

At kahit sa Siargao nagpunta sina Marian Rivera at Dingdong Dantes plus Zia, bongga rin ang bakasyon nila.

Siguro nga, mas type nila na outside of the city sila dahil mas free ang kanilang mga kilos.

Gusto ko rin na mukhang relaxed na relaxed sila kahit ilang araw lang. Ang bonding talaga sa mga ganitong panahon ang kailangan dahil ‘yon ang magpapatatag ng foundation ng kanilang mga relasyon.

After ng disappointment ni Kim sa 44th Metro Manila Film Festival, kailangan niya ng pahinga at mabuti na lang, nandiyan ang kanyang boyfriend na si Xian para samahan siya. Same with Jessy na laging suportado ni Luis.

Sina Marian at Dingdong kaya matatag ang pagsasama dahil may time sila to be together para kay Zia.

Hindi kataka-taka na well rounded ang ugali ni Zia dahil puno ng love ang paligid niya kaya next Christmas at New Year, sure ako na bago na naman ang destination ng mga star for their bonding time.

‘Hindi big deal kung ‘di ka kilala!’

Natawa ako sa naging experience ni Kristoffer Martin sa isang fan na babae na hindi siya nakilala.

Hindi big deal. So what kung hindi siya nakilala? So what kung na-snob siya? Hindi malaking bagay.

Sa akin nga, madalas na may tumatawag sa akin na Cristy Fermin pero okey lang.

Natawa ako nang sabihin ni Cristy na kung minsan naman, may tumatawag din sa kanya na Lolit Solis.

Basta huwag lang Inday Badiday dahil matagal nang wala si Ate Luds.

Kung minsan, totoo na hindi kilala ng fans ang lahat ng mga artista at okey lang. Hindi naman lahat dapat kilala ka, at sino ka naman para isipin na makikilala ka ng mga mami-meet mo?

Illusion of grandeur lang kung ilalagay mo ito sa utak mo. Basta huwag ka lang bastusin. Ito ang hindi dapat payagan at palampasin.

Kapag binastos ka, call mo na kung babastusin mo rin o pababayaan na lang pero hindi ito magiging dahilan para lumiit o mabawasan ang pagkatao mo.

Kung hindi ka kilala, eh di hindi mo rin siya kilala, so even lang, pareho lang. Keber. Your loss not mine, bongga ‘di ba?

Naalala ko tuloy ang kuwento sa isang aktres na nagpunta sa opisina ng diyaryo para mag-meet and greet sa mga empleyado.

Walang make up ang aktres nang pumasok siya sa main entrance ng opisina ng newspaper. Maagap ang guwardya, hinabol niya ang aktres at hiningan ng ID dahil hindi siya puwedeng basta pumasok sa office.

Dedma lang ang aktres as in hindi ito na-offend dahil hindi siya know ng security guard. Isa lang ang naging problema ng aktres, wala siyang dala na ID kaya ang kanyang mga kasama ang palihim na nagbulong sa security guard ng name niya.

Sunud-sunod ang sorry ng security guard dahil hindi niya namukhaan ang aktres pero hindi nito pinalaki ang isyu. Dapat pa nga na hangaan ang guwardya dahil ginagawa nito nang maayos ang trabaho niya.

vuukle comment

KIM CHIU

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with