^

PSN Showbiz

Kobe laging babad sa bar?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kobe laging babad sa bar?!
Kobe

Kaya late sa ensayo?

Kung si Ricci Rivero na gumawa ng isang movie para sa ongoing Metro Manila Film Festival 2018 at naging abala sa promosyon nito, ay hindi lumiliban sa kanyang basketbal praktis bilang paghahanda sa susunod na season ng UAAP, ang kasamahan niya sa UP Maroons na si Kobe Paras ay madalas wala sa praktis dahil daw puyat sa kapa-party at kaka-clubbing? Disappointed nga ang fans at followers ng kontro­bersyal na anak ni Benjie Paras dahil sa paglalaro nila ni Ricci sa UP Maroons ay nabibigyan nila ng malaking pag-asa ang koponan at ang lahat ng mag-aaral ng UP na mahawakang muli ang kam­peonato na muntik na nilang makuha last year against Ateneo.

Sa tila pagwawalang bahala ni Kobe, baka makakawalang muli sa kanila ang korona.

Xian kung kani-kanino na itinatambal

Bukod sa paghahanda sa gagawin niyang movie na siya rin ang sumulat ng istorya ay nakatapos ng isang movie sa Viva si Xian Lim titled Baka Hanggang Dito Na Lang opposite Louise delos Reyes.

First time nilang magkasama ng dating Kapuso actress. Palabas ito sa February 6. Katulad ng ka-loveteam niya na si Kim Chiu, sumusubok na rin sa ibang kapareha si Xian at tanggap naman siya ng moviegoers sa kahit na sinong babaeng artista.

RS hindi na bago ang kuwento

Sa ginagawang paglalaban ng Jack Em Popoy at Rainbow’s Sunset sa takilya, yes lumaki na ang kita ng movie nina Eddie Garcia, Gloria Romero at Tony Mabesa simula nang dinagdagan ang mga sinehang pinaglalabasan nito kung kaya lumakas na ang laban nito sa box-office na hindi lamang ang mga movie ang nakikinabang kundi maging si Tirso Cruz lll na kasama sa dalawang movies. Panganay na anak siya sa Rainbow’s Sunset na talunan ng kanyang dalawang sisters samantalang isa siyang corrupt police officer sa Jack Em Popoy na mas ibinagay ang istorya kay Coco Martin at ginawang aksyon pero, hindi tinanggalan at binalansehan pa ng nakakatawang mga sitwasyon.

Hindi naman bago ang tema ng RS pero, bihirang i-tackle sa pelikula. At ang resulta ay patok dahil obvious na nangyayari kaya marami ang makaka-relate.

Ronnie balik sa pagiging artista

Nakumbinse na rin palang mag-artista ng isa sa dalawang anak na babae nina Ronnie at Mariz Ricketts na si Raechelle Ricketts. Kasama ito sa comeback movie ng kanyang ama na bukod sa kanyang pagbibida dito ay siya rin ang direktor at writer.

Excited si Ronnie sa movie dahil tatangkain niyang ibalik ang action genre at kapag naging matagumpay ay bubuhay muli sa maraming manggagawa ng industriya ng pelikula.

Ibang kandidatong artista, hindi qualified

Tapos na ang Pasko at nasa Bagong Taon na tayo. Tatapusin na lang natin ang Valentine’s Day at lalarga na tayo ng paghahanda para sa eleksyon.

Ang daming artistang kakandidato. Ewan lang kung sino sa kanila ang mabibiyayaan ng panalo. Marami sa kanila ang hindi qualified at deserving na tumakbo. Kailangang mag-effort sila dahil marunong nang bumoto ang mga Pinoy, lalo na ang mga kabataan. Hanap nating lahat yung makakatulong sa pag-unlad ng bansa at makapagbibigay sa atin ng magandang kinabukasan.

vuukle comment

KOBE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with