^

PSN Showbiz

Aktor hirap makipag-away sa dyowang foreigner

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

‘Di makasabay sa Inglesan

Ngayong 2019 kaya matutuloy ang hiwalayan nitong kilalang male celebrity sa kanyang partner na isang foreigner?

Nagtataka lang kami bakit parang type ng mga kaibigan ni male celebrity na magkahiwalay na ang dalawa dahil naawa na raw sila kay male celebrity kapag natatalakan daw ni girl.

Tahimik lang si male celebrity at ayaw na lang patulan dahil una sa lahat, hindi siya makasabay sa Inglesan kay girl.

Kaya baka mapuno na raw si male celebrity, posibleng matuloy na sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Hindi na nga napapag-usapan ang kasalan dahil mukhang wala naman daw balak si guy na pakasalan pa si girl.

Kaya kahit mga malalapit na kaibigan ni male celeb, gusto na ring maghiwalay na lang sila.

Nagkaproblema raw sila ilang buwan nang nakaraan, pero mukhang okay na naman daw sila ngayon. Kaya lang posibleng maulit na naman ang problema kapag hindi magbago si girl at bawasan ang pagtatalak kay male celebrity.

Harlene open sa bagong relasyon!

“Nakakangiti na ako ngayon,” masayang pahayag sa amin ni Harlene Bautista nang nakatsikahan namin sa DZRH radio program nung isang gabi.

Maganda na raw kasi ang takbo sa box-office ng pelikula nilang Rainbow’s Sunset pagkatapos nitong humakot ng awards sa nakaraang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival.

Malaki nga raw ang naitulong ng awards dahil lalo silang nadagdagan ng mga sinehan.

As of presstime, halos 100 cinemas na raw sila at puwede pang madagdagan dahil pataas nang pataas ang resulta sa box-office. Ang nakakatuwa pa raw, sa ibang sinehan nagpapalakpakan ang mga tao pagkatapos ng pelikula.

“Siguro naniniguro lang ang mga tao ngayon dahil ang mahal na kasi talaga ng sine. Kaya tinitingnan siguro muna nila kung alin ang magandang pelikula at saka doon na sila manonood,” dagdag na pahayag ni Harlene.

Kaya mukhang magiging active daw ang Heaven’s Best Productions at baka mag-produce pa raw sila ng isa o dalawa pang pelikula ngayong 2019.

Hindi pa raw nila napapag-usapan ni Mayor Herbert Bautista, puwedeng bumalik daw sa pelikula si Mayor Herbert dahil hindi naman ito kakandidato sa darating na eleksyon.

Samantala, naisingit na rin naming itanong kay Harlene kung kumusta na ang kanilang Pasko pagkatapos ng pinagdaanan niya kaugnay sa paghihiwalay nila ni Romnick Sarmenta.

“Okay naman ang mga bata. Hindi ganun kadali, mahirap din pero nakakapag-adjust naman sila,” pakli ni Harlene.

Pagkatapos daw niyang i-celebrate ang New Year’s eve kasama ang mga anak nila, kinabukasan ay kasama naman si Romnick ng mga bata. Nandun daw sila sa lola nila sa side ng aktor.

Nagkasama rin sila ni Romnick nung nakaraang premiere showing ng Rainbow’s Sunset para suportahan ang anak nilang si Zeke Sarmenta.

Inamin din ni Harlene na bukas ang puso niya sa panibagong pag-ibig kung sakaling may darating.

“Kahit si Romnick alam niya na bukas ako sa panibagong relasyon, pero hindi naman ako naghahanap.

“Kung may darating, eh di darating. Hindi naman ako bata na basta-basta na lang makipagrelasyon, Kung sakaling darating, sana siya na, hindi yung basta na lang may karelasyon,” dagdag niyang pahayag.

vuukle comment

HARLENE BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with