Jadine nami-miss na sa TV
MANILA, Philippines — Hinihintay ngayong 2018 ang pagbabalik sa TV nina James Reid and Nadine Lustre.
May contract pa raw sila sa ABS-CBN pero walang update kung anong gagawin nilang TV project.
Till I Met You pa ang last TV series ng magka-relasyon na noong early 2017 pa nagtapos.
Nag-concentrate sila sa movies noong 2018. Nagsama sila sa critically acclaimed movie Never Not Love You, Miss Granny si James at may sinimulan silang movie na kanya – si Nadine ay Ulan and Pedro Penduko si James na this year na rin ipalalabas.
Tinutukan din nila ang music. Gumawa sila ng kanya-kanyang album.
Last year pa sila hinahanapan ng regular series sa kanilang home network.
- Latest