^

PSN Showbiz

Miles, iniyakan ang friendship nila ni Kathryn

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Miles, iniyakan ang friendship  nila ni Kathryn
Miles

Aminado si Miles Ocampo na iniiwasan na niya ang isyu tungkol sa pagiging magkaibigan nila ni Kathryn Bernardo.

Magkasabayan halos na nagdalaga ang dalawa sa industriya. “I have been avoiding this topic. Simula no’ng sinabi nila na nagka-issue kami ni Kat. ‘Pag tinatanong ako sinasabi ko na okay kami. Kasi ‘pag tinatanong si Kat, sinasabi din niya na okay kami,” pagtatapat ni Miles. Matatandaang magkaibigan mula pa pagkabata sina Miles at Kathryn pero nagkahiwalay ng landas nang lumaki ang dalawa. “Na-grow na lang kami separately. Mahirap kasi na magigising ka na lang na wala na lahat. Nagising ka one day na bini-blame mo na lang ‘yung sarili mo na hindi mo naman alam kung ano. Hindi mo naman alam kung paano nangyari ‘yon. Dumating ako sa point na iniiyakan ko siya. Every time na naalala ko affected pa rin ako. Every time na may nababasa ako na sinasabi nila about our friendship affected pa rin ako. I guess, Tito Boy sa kahit anong relasyon mawawala lang ‘yung pain kapag nagkaroon kayo ng closure kasi ‘yung closure na ‘yon hindi lang para matapos lahat, but to give yourself time to heal,” makahulugang pahayag ng aktres.

Sa ngayon ay maayos naman ang pakikitungo nina Kathryn at Miles sa isa’t isa. “Sobrang okay kami ni Kat, every time na mini-message ko siya, sasagot naman siya. We may not have the same friendship that we had no’ng nasa Goin’ Bulilit kami, but masasabi ko na ‘yung pagiging special ni Kat sa akin, and ‘yung pagmamahal ko sa kanya nando’n pa rin,” pagbabahagi ni Miles.

Pero ayaw sa new year’s resolution Maris at Inigo, madaming babaguhin sa 2019

Maraming mga bagay ang ipinagpapasalamat nina Maris Racal at Inigo Pascual sa taong 2018. Hinding-hindi makalilimutan ni Maris ang kanyang concert tour kung saan ay nakasama niya ang mag-amang Piolo Pascual at Inigo. “Kasi first time ko mag-tour outside Asia,” bungad ni Maris.

Para naman kay Inigo ay iba ang kaligayahan na kanyang naramdaman nang maka-bonding nila ng aktres ang mga sumusuporta sa tambalang MarNigo. “’Yun ‘yung first time naming makita ang mga MarNigos na magkakasama and hindi namin alam na gano’n talaga sila ka-supportive and gano’n sila magmahal,” nakangiting pahayag ni Inigo.

Ano kaya ang New Year’s resolution ng dalawa para sa pagpasok ng 2019? “Hindi na gagawa ng New Year’s resolution. Kasi kung may babaguhin man ako sa sarili ko, itatago ko na lang at gagawin ko na talaga siya,” sagot ni Maris. “So our New Year’s resolution is no to New Year’s resolution,” sagot naman ni Inigo.

Natawa nang bahagya si Maris sa naging sagot ng aktor kaya agad na sinundan ito. “Hindi, walang isusulat pero madaming ibabago,” pagtatapos ng aktres.

vuukle comment

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with