^

PSN Showbiz

Rhian nanakawan ng wallet sa New York

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Rhian nanakawan ng wallet sa New York
Rhian

Ano ba yan? Bago pa lang sa New York si Rhian Ramos, inalat na agad. Kinuwento nito na nawalan siya ng wallet, buong araw siyang na-upset at ayaw niyang lumabas ng bahay. Nasa wallet yata ang mga card at pera niya.

“Didn’t wanna go out... but i did, i bought a brush, disinfectant wipes, and swiffer pads. I was paranoid the whole time though. This video is as social as i get today.”

In-upload ni Rhian ang pagba-vacuum niya sa rug nang tinitirahang apartment at makikita ang nakolekta niyang dumi. Nataranta ang followers ni Rhian dahil hindi man lang siya gumamit ng gloves habang nagba-vaccum eh, ang dami ngang dumi.

Kapansin-pansin na walang make-up si Rhian sa mga pino-post niyang photos habang nasa New York siya, pero kita pa rin ang ganda ng mukha nito. Mag-isa siyang nag-celebrate ng Pasko at mag-isang magsi-celebrate ng Bagong Taon, kaya ito na ang pinakamalungkot niyang Holiday Season.

Aktres nagpaparamdam sa anak  ng senador na may dyowa!

In all fairness sa isang aktres, kilala siya ng binatang anak ng isang sikat na senador dahil nang batiin ng aktres ng “Merry Christmas” ang anak ng senador, bumuwelta ito ng bati rin sa kanya. Hindi kami sure kung magkakilala ang dalawa o naging mabait lang ang binata at gumanti ng bati sa aktres.

Nakakahiya naman dahil binati lahat ng binatang anak ng senador ang mga bumati sa kanya at mapapansin kung dededmahin niya ang aktres.

Ang alam namin, may GF ang binatang anak ng senador at may non-showbiz boyfriend din ang aktres. Ano ‘yun, nagparamdam lang ang aktres sa binata? Sana, hindi siya pagselosan ng GF ng anak ng senador.

Heart naipinta na rin sa damit ang paboritong aso

Ang post ni Heart Evangelista sa Instagram (IG): “I just received the most priceless present ever. This portrait of Panda by Irvyn Roxas is the best gift that my husband has ever given me!”

Ang tinutukoy ni Heart ay ang Christmas gift sa kanya ni Sen. Chiz na portrait ng pet dog ni Heart na si Panda na isang aspin at mahal na mahal ni Heart. Isinasama niya ito sa mga lakad niya at pati sa ta­ping ng My Korean Jagiya, isinasama niya si Panda at doon namin nakita ang aso.

Sa sobrang pagmamahal ni Heart kay Panda, sinasama niya ito sa mga pictorial at isinama pa sa design ng mga damit para sa Kamiseta collection, “This top is very special to me and I’m sure you all know why. I’m so happy to announce that my sketche of Panda are now available in my #LMxKamiseta collection. This collaboration is one of the reasons why I am extremely grateful for being able to showcase my passion through fashion.”

Gelli ayaw ng babaeng anak

Ang sarap pagmasdan ng picture ni Gelli de Belen kasama ang asawang si Ariel Rivera at mga anak na sina Joaquin at Julio Rivera na dinalaw nila sa Canada, kung saan, nag-aaral ang dalawang binata.

Four times a year lang makita nina Ariel at Gelli sina Joaquin at Julio, three times sila bisitahin ng mag-asawa sa Canada at once a year umuwi ng Pilipinas ang mga ba­ta. Nami-miss nila ang mga anak, pero kailangan nilang magsakri­pisyo para sa future ng mga bagets.

Kumukuha ng Aviation si Joaquin at Kinetics naman ang kurso ni Julio na first year college pa lang, kaya ma­ta­tagalan pa sila sa Canada.

Sa tanong kung hindi ba niya naiisip magkaroon ng anak na babae? Hindi raw at ibinigay na halimbawa ang kapatid na si Ja­nice de Belen na tatlo ang anak na babae. Imagine na lang daw ‘pag may monthly period ang tatlo, siguradong iba’t ibang temper ang lumalabas sa tatlo.

Hanggang January 3, 2019 sa Canada ang mag-asawa, ka­ila­ngan nilang bumalik dahil si Ge­lli may taping siya ng Ika-5 Utos  ng GMA-7. Si Ariel ay may sisimulan ding soap sa ABS-CBN.

Malapit nang magtapos ang Ika-5 Utos at kahit kasama siya sa cast, excited din si Gelli kung paano magtatapos ang story ng mga karakter ng Afternoon Prime.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with