^

PSN Showbiz

Pokwang gusto na uling mabuntis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pokwang gusto na uling mabuntis
Pokwang at Malia

Mas masaya ang naging pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayon ni Pokwang. Matatandaang ipina­nganak ng komed­yante ang supling nila ni Lee O’Brian na si Malia noong January. Ngayon lamang muli nakapagdiwang ng Pasko si Pokwang na kumpleto ang pamilya. “Twenty two years walang baby sa bahay. I mean ngayon lang uli kami nagkaroon ng baby after twenty two years. So exciting kasi di ba Christmas is for children. And si Malia first Christmas niya ito,” nakangiting pahayag ni Pokwang.

Ayon sa komedyante ay mas pinag­handaan niya ngayon ang Kapaskuhan para sa bunsong anak. “Gusto kong makita ‘yung reaction niya sa mga nangyayari sa paligid niya. At talagang binonggahan namin ang Christmas decoration this year for her. Kasi first Christmas niya,” dagdag ni Pokwang.

Samantala, sa susunod na taon ay ma­raming mga proyekto ang mga pinag­hahandaan ni Pokwang para sa kanyang mga tagahanga. Halos dalawang taon ding namahinga ang aktres sa trabaho mula nang magbuntis hanggang ipa­nga­nak si Malia. “2019 magbubuntis ako ulit ha-ha-ha! Marami, may mga pa-concerts, pa-shows and mag-renew ako ng contract. Next year may mga pa-Valentine’s concerts, movies, indie films,” pagtatapos niya.

Dingdong gustong ipagawa sa anak ang mga hindi nagawa noon

Sobrang excited na ni Dingdong Dantes para sa ipinagbubuntis ngayon ng asawang si Marian Rivera. Lalaki ang magiging pangalawang anak ng mag-asawa. “Kasi kay Zia pa lang, parang lahat gusto ko nang ipagawa sa kanya, katulad ng mga musical instruments. Hindi man ako marunong sa iba, pero gusto kong i-explore niya lahat, pati sports. Pero ngayon, may kahati na siya sigurado sa mga hilig. ‘Yung mga hindi ko rin nagawa noong bata ako, gusto kong gawin din niya,” nakangiting bungad ni Dingdong.

Sa ngayon ay wala pang maisip sina Dingdong at Marian kung ano ang ipapangalan sa lalaking anak. “Ngayon for some reasons hirap na hirap kami mag-isip kasi maraming mga very meaningful names for us. So we’re really contemplating kung ano. Siguro by next year malalaman na namin,” pagtatapat ng aktor.

Samantala, ayon kay Dingdong ay mas hirap ngayon si Marian sa pagbubuntis kumpara noong ipinagbubuntis ang panganay na anak. “Kasi siyempre hindi madali ang pagbubuntis. Nakita ko how difficult it was with Letizia. In fact medyo mas mahirap na ngayon. Akala namin pareho lang ‘yung pinagdadaanan. Pati ‘yung hinahanap niya na mga pagkain sa akin. Dati wala namang kamias, ngayon may kasama ng Mangga at Kamias,” natatawang kwento ni Dingdong.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with