^

PSN Showbiz

Miley Cyrus, Liam Hemsworth kasal na

James Relativo - Philstar.com
Miley Cyrus, Liam Hemsworth kasal na
Inabot ng halos 10 taon ang kwento ng dalawa bago nagkatuluyan.
Facebook/Miley Cyrus

MANILA, Philippines — Nag-isang dibdib na si Miley Cyrus sa kanyang long-time boyfriend na si Liam Hemsworth.

Kinumpirma ng 26-anyos na pop star sa kanyang Facebook at Twitter accounts ang ilang litrato mula sa kanilang kasal ng 28-anyos na aktor.

Nakilala si Cyrus sa kanyang pagganap bilang Miley Stewart sa Disney Channel show na Hannah Montana habang si Hemsworth ay gumanap bilang Gale Hawthorne sa film-series na The Hunger Games.

Unang nagtagpo ang dalawa sa set ng pelikulang The Last Song taong 2009.

Binati rin ng manunulat nito na si Nicholas Sparks ang dalawa sa kanilang pagpapakasal at sinabing masaya siya para sa kanila.

Matatandaang ilang beses naghiwalay at nagkabalikan ang dalawa noong 2010, 2013, at 2015.

Dati na rin silang na-engage sa isa't isa ngunit naudlot ito taong 2013.

vuukle comment

KASAL

LIAM HEMSWORTH

MILEY CYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with