^

PSN Showbiz

Comedy na nilagyan ng magandang kuwento...

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Comedy na nilagyan  ng magandang  kuwento...
Coco

Hindi nagkamali ang Cinema Evaluation Board na bigyan ng grade A ang Jack Em Popoy dahil talagang napakasaya ng pelikula. Isa ‘yung comedy na nilagyan ang magandang istorya. Kung inaakala ng manonood na sa aksyon lamang isinabak si Coco Martin, nagkakamali sila, binigyan siya ng mga nakakatawang moments which he passed with flying colors. Hindi siya iniwan ni Bossing Vic Sotto sa comedy, sila ni Maine Mendoza.

Hindi nagkamali ang mga apo ko na Jack Em Popoy ang unang panoorin sa MMFF 2018. Sa halip na mainip sa paghihintay na ma­kabili ang nanay nila ng ticket para sa first showing sa ikalawang day ng filmfest, nilibang nila ang mga sarili nila sa dala nilang CP at gadgets.

Hindi ako nagsisisi na sumama sa kanila dahil natanggal ng movie ang sama ng pakiramdam ko. Nilalagnat pa rin ako nang lu­mabas ng sinehan pero, masaya, masayang-masaya. Kung matagal pumila para makapanood, ganun din katagal lumabas ng sinehan kaya pinayagan ng sinehan na gamitin ang exit para mabilis na makalabas ng sinehan ang mga tao. Sa loob din naman ng mall ang labas nila. 

Manonood pwede nang sumugod sa sinehan

Bigla, nauso ang sipon at ubo, siguro dahilan na rin sa pag-ulan. Dami kong narinig na umuubo sa sinehan na pinanooran ko ng Jack Em Popoy. Buti na lang at hindi naapektuhan ang lamig ng sinehan sa rami ng mga manonood.

Nakatulong ang aircon para hindi sila pawisan at ubuhin. Surprisingly, sumisikat na ang araw. Pwede na namang manood ng sine. Gusto ko panoorin ang Rainbow’s Sunset pero, baka hindi matype-an ng mga bagets. Kaya hiwa-hiwalay siguro muna kami.

Toni at direk  Paul, may labanan?!

Kapag nagkataon, baka maging mahigpit pang kumpitensya ni direk Paul Soriano ang misis niyang si Toni Gonzaga na dream din palang makapagdirek. Hindi agad ito sasabakan ni Toni na siyang nagkonsepto ng Mary, Marry Me. Baka kumuha siya ng kurso para rito na sinasabi ng marami ay hindi na niya kailangan, pumayag lang siyang maging assistant ng mister niya na magaling din naman sa kanyang trabaho. Marami na siyang matututunan pero, gagawin ba niya ito at payagan kaya siya ng asawa niya?

Daniel nagpakita na

Mabuti naman at nakitang muli ang presence ni Daniel Matsunaga. Kasama na siya sa seryeng Halik. Matagal din siyang walang ginawang project. Kapag nababalita naman siya ay negatibo at nakakasira sa imahe niya. Sa rami ng mga pagbabago sa kuwento ng kontrobersyal na serye, maitataas muli nito ang estado ng PBB winner na matagal nang nami-miss ng kanyang mga fans. Wish nila na unahin nito ang kanyang karera bago ang kanyang lovelife. 

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with