^

PSN Showbiz

AiAi, 24 years nang nagpa-Pasko sa Tondo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
AiAi, 24 years nang   nagpa-Pasko sa Tondo
AiAi

Tuwing sumasapit ang Pasko ay kakaiba ang nagiging celebration ng Comedy Queen na si AiAi de las Alas (with her family) dahil ginagawa nila ito sa Missionaries of Charity in Tondo, Manila kapiling ang mga abandoned children at ang mga madre na nangangalaga sa kanila.  Twenty four years na itong ginagawa ng Kapuso actress-comedienne at TV host, this time ay kasama na niya ang kanyang mister na si Gerald Sibayan at mga anak. Bukod sa pagtulong at pagpapasaya sa mga bata, gusto rin kasi ni AiAi na ipakita at ipaunawa sa kanyang mga anak kung gaano sila ka-blessed kumpara sa mga bata sa Missionaries of Charity na inabandona na ng kanilang mga magulang.

AiAi is known for her charity works at kasama na rito ang pagtulong niyang maitayo ang  Kristong Hari Church sa Commonwealth Avenue in Quezon City at ang Anawin Lay Missions Foundation, Inc. sa Montalban, Rizal.

In October 2016, si AiAi ay tumanggap  ng Papal medal, the highest award given to lay people ng mahal na Santo Papa. 

Ang isa pang Filipino recipient ng Papal medal ay ang National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.

Last December 12 ay nag-celebrate ang mag-asawang AiAi at Gerald ng kanilang 1st wedding anniversary.

Catriona maagang natutong mag-solo

Only child ang newly-crowned Miss Universe, ang Fil-Australian na si Catriona Gray ng mag-asawang Ian Gray at Normina Ragas-Gray na may 20 years age gap.

Catriona’s mother was 28 at 48 naman ang kanyang ama nang siya’y isilang sa Cairns, Australia. Since parehong working ang kanyang parents, natutunan ni Catriona na mag-isang naglalaro sa kanilang bahay pero nanatili sa kanyang paglaki ang Filipino values at ang kanyang pagkahilig sa  mga Flipino food tulad ng adobo at sinigang.

Bata pa si Catriona ay mahilig na siyang magpakita ng signs ng isang beauty queen at sumali siya sa patimpalak pambata when she was still a kid, ang Little Miss Philippines – Australia ng longest-running noontime show, ang Eat Bulaga.

As fate would have it, si Catriona ang nakapag-uwi ng corona making her the 4th Filipina to bag the Miss Universe crown at dito na nagsimula ang pagbabago ng buhay ng Fil-Australian beauty.

Sa kauna-unang pagkakataon, si Catriona ay nag-spend ng kanyang first Christmas in New York City (USA) na kanyang magiging homebase habang hawak ang korona ng Miss Universe.

Magiging malayo rin siya sa kanyang Fil-German boyfriend na si Clint Bondad.  Pero malamang na dalawin siya sa New York ng kanyang kasintahan.

Bukod sa kanyang nobyo, malayo rin si Catriona sa kanyang parents na very supportive sa bago nitong journey bilang Miss Universe.

Ngayong isa na siyang Miss Universe, mas lalong naging masidhi ang kanyang adhikain na matulungan ang mga less fortunate kids hindi lamang ng Tondo kungdi maging sa ibang bahagi ng mundo.

vuukle comment

AIAI DE LAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with