^

PSN Showbiz

Toni noon pa gustong maging direktor

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Toni noon pa gustong maging direktor
Toni

Bukod sa pagiging bida ay isa rin si Toni Gonzaga sa mga producer ng pelikulang Mary, Marry Me. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival na patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ngayon.

Pagkatapos sumabak sa pagiging producer ay gusto naman daw ni Toni na matutunan ang pagi­ging direktor katulad ng asawang si Paul Soriano. “Sana next year, mag-aaral ako dito. Gusto kong gumawa ng pelikulang pang-Filipino. So kailangan kong aralin ang audience niya,” pagtatapat ni Toni.

Ayon sa aktres ay matagal na rin niyang pinaplano na mag-aral ng directing pero hindi pa lamang ito natutuloy. “It’s been in the back of my head na i-try siya. Kasi I’d have so many concepts na pini-pitch ko for Star Cinema then naa-approve ‘yung iba, so ‘yon,” nakangiting pahayag ni Toni.

Samantala, aminado ang aktres na talagang imposibleng makumbinsi ang lahat ng manonood na magustuhan ang lahat ng pelikulang kalahok sa MMFF.  “Ngayon ko napi-feel ‘yung mga napi-feel ng direktor na pagtatrabahuhan mo ng ilang buwan tapos kapag pinanood ng tao iba-bash lang nila.  Hindi nila alam ‘yung pagod, hirap, dugo at pawis na pinagdaanan so gano’n pala ‘yon. Twenty years na ako sa industriya and sanay na sanay na ako ma-bash. Siguro masakit din ng konti pero I will always think everything in constructive way to help me grow. I will try to filter what will not benefit me and I will try to absorb kung ano ang makakatulong sa akin,” pagbabahagi ng aktres.

Bea Rose ini-encourage ang lahat na magpa-check up

Kamakailan ay nakumpirmang may chronic kidney disease ang Miss International 2013 na si Bea Rose Santiago. Kinailangan pang pumunta ng beauty queen sa Japan para makapag-second opinion para makasiguro sa nasabing diagnosis. Kasalukuyang nasa Toronto, Canada ang dalaga kasama ang pamilya at doon nagpapagamot. “Apparently its genetics and popular in Asians, so please get checked! I am healthy and I workout regularly none of my family suffers from kidney related illnesses but things like this happens. Does not mean I’m done. I’m unstoppable and will be healed! God loves me and he keeps showering me with love and blessings from friends and family! I am lucky and I am loved! Bad kidneys can kiss my @$$! #almostperfect #kidneyfailure #loveyourself#kissmyass #bearosesantiago 

“Ps. No I suffered no symptoms! Symptoms started after my diagnoses and then the excess water in my body disappeared after and then was stable. Still it wasn’t enough I needed to dialyze. So please please when u feel weird and off, go get yourself checked!” unang post ni Bea Rose sa Instagram noong December 20.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with