^

PSN Showbiz

Harlene at Romnick, parang di naghiwalay ang turingan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Harlene at Romnick, parang di naghiwalay ang turingan
Romnick at Harlene

Kumpirmadong nagkahiwalay na ang mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta. Kahit hindi na magkasama sa iisang bubong ay maayos naman daw ang pakikitungo nila sa isa’t isa ayon sa aktres. “Okay naman, parang gano’n pa rin. Magkahiwalay lang at may schedule na lang ngayon,” makahulugang pahayag ni Harlene. 

Maayos pa rin daw ang turingan ng mag-asawa para sa kanilang mga anak. “Christmas is for kids and siyempre may mga anak kami. Pero wala namang nabago. Ewan, parang pareho na hindi,” nakangiting pahayag ng aktres.

Samantala, umaasa si Harlene na susuportahan ng mga manonood ang pelikulang Rainbow Sunset na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival. Ito ang kauna-unahang pelikulang nagawa ng pamilya ng mga Bautista para sa MMFF.

Lisa hindi pa nakaka-recover sa hip replacement 

Kilala bilang isang Prima Ballerina sa bansa si Lisa Macuja. Nagnanais si Lisa na magkaroon ng hilig sa teatro ang mga kabataan sa henerasyon ngayon kaya inihahandog niya ang Kuwento ni Lola Basyang. “Ang misyon namin is to bring ballet to the people and bring people to the ballet. So lagi talaga naming ginagawa ito every Christmas. In fact, sometimes every weekend mayroon kaming mga libreng palabas,” bungad ni Lisa.

Para sa ballerina ay personal na pinili ng Ballet Manila ang Lola Basyang para mas madaling ma­kilala ng kabataang Pinoy. “Lola Basyang, kasi para sa amin ang kuwento ni Severino Reyes ay may mga aral, very colorful, very festive. Maraming characters, maraming mapupulot na aral at kuwento at entertaining sa buong pamilya,”paliwanag ni Lisa na siyang tumatayo bilang creative consultant at director ng Ballet Manila. 

Sa ngayon ay hinahanap-hanap na raw ni Lisa ang pagsasayaw ng ballet para sa mga manonood. “Actually, miss na miss ko na ang mag-perform. Two years na ako na hindi nag-ballet, nag-retire na ako. Nami-miss ko siyempre. May mga times na napapasayaw ako pero sa studio lang. Para sa akin, ang pagsasayaw ko ay bahagi na talaga ng buhay ko at para sa akin hindi ako nagpapalagpas ng isang araw na hindi ako gumagalaw,” pagdedetalye ni Lisa. 

Nagkaroon ng injury ang ballerina kaya hindi na maisasakatuparan pa ang muling pagsasayaw. “Hindi na pwede kasi nagkaroon na ako ng hip joint replacement. So my left is already titanium. Sabi talaga ng doctor ko, hindi na ako magsasayaw. Kasi ‘yung stress sa joint ay bawasan na dapat ng konti,” pagtatapat ng Prima Ballerina.

vuukle comment

HARLENE BAUTISTA

ROMNICK SARMENTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with