^

PSN Showbiz

Mga magulang madalas biktima, aktres kaaway ang mundo ‘pag tinotopak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Grabe palang apuntahan ng sumpong ang isang kilalang female personality. Kapag tinotopak siya ay wala siyang sinisino. Kung ang trip niya ay ang huwag kumibo sa mag­hapon ay basta ganu’n lang siya, walang kinakausap at lalong walang sinasabi, pipi siya.

Kahit ang kanyang mga magulang, kapag meron siyang sumpong, ay parang flower vase lang. Hindi niya kinakausap, hindi siya sumasagot kapag tinatanong siya, basta deadma lang siya.

Kuwento ng aming source, “Naloka nga sa kanya ang isang ex niya. Kasi, masarap siyang kausap, matalino siya, marami siyang alam kahit hindi pa naman siya matanda.

“Kaya nga siya niligawan nu’ng guy, sinuyo talaga siya, hanggang sa maging sila na. Pero nu’ng nakakailang linggo pa lang sila, e, naloka na sa kanya ang lalaki!

“Magte-text kasi siya, ‘Don’t disturb me today, I’ll call or text you when I’m ready to talk to you na.’ Ano nga namang klaseng girlfriend ang babaeng ‘yun?

“Basta ganu’n na lang? Kapag may sumpong siya, e, wala siyang gustong kausapin? Pinagpasensiyahan lang siya ng guy nu’ng una, pero nu’ng wala pa rin siyang pagbabago sa pagiging topakin niya, e, nakipag-break na ang boyfriend niya.

“Nirespeto pa nga ng guy ang mommy niya, nagpaalam ‘yung lalaki, ubos na raw kasi ang pasensiya niya. Ano ang sagot ng mommy niya? ‘Now, you know.’

“Ang tindi ng sagot na ‘yun ng mommy niya, napakalawak, sapul na nu’n ang lahat-lahat! Kahit nga kasi siya, kapag ayaw siyang kausapin ng anak niya, e, wala siyang magawa!

“Waiting galore lang siya kung kailan tapos na ang sumpong ng girl, kapag gusto nang makipag-usap. At kapag naman wala na siyang sumpong, e, napakasakit sa tenga ng pagkuda niya!

“Wala siyang kapaguran sa pagdaldal, mula uma­ga hanggang gabi, e, kuda siya nang kuda! Masakit sa pandinig ang boses niya dahil kung magsalita pa naman siya, e, akala mo hinahabol ng asong matapang sa bilis!

“Wala ngang tatagal sa babaeng ‘yun na kapag tinotopak, e, kaaway ang mundo! Hanggang sa paganyan-ganyan na lang siya. Makikipagrelasyon. Makikipaghiwalay. Iiwan ng hindi na makatagal na boyfriend!

“Tama lang ang desisyon niyang magpakalayu-layo na sa kabihasnan. Nababagay nga siya sa mga lugar na hindi matao dahil hindi niya naman kailangan ng kausap kapag may topak siya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Karla at Tates hindi nawasak, nina Athena at Kathryn

Hindi naman pala tulu­yang nasira ang pagkakaibigan nina Karla Estrada at Mayora Tates Gana. Hindi totoo ang ku­­malat na kuwentong nagkasaulian sila ng kandila dahil sa pamba-bash na kinasangkutan nu’n ni Athena mula sa mga taga­suporta nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Nakapanghihinayang naman ang kanilang pinagsamahan kung sa ganu’n lang mauuwi ang kanilang pagkakaibigan. Hindi pa artista si DJ ay maganda na ang kanilang relasyon, nagkakatulungan sila, lalo na sa pamilya ni Karla na walang-wala pa nu’n.

Nagkikita pa rin sila, nagkakakuwentuhan, pero sa labas na lang nangyayari ‘yun para makaiwas sila sa mga intriga. Dati kasi ay madalas magpunta si Karla at ang mga anak nito sa bahay nina Mayora Tates.

May mga pagkakataon namang kasama rin ni Tates sina Athena at Harvey sa bahay nina Karla. Lumaking magkakaibigan ang kanilang mga anak.

Kahit sa pagbabakasyon sa ibang bansa ay magkakasama rin sila, kuyog nga ang tawag sa kanila ng marami, hindi kasi sila mapaghihiwalay.

Salamat naman at hindi nila pinabayaang maapektuhan ng mga intriga ang kanilang pagkakaibigan. Napakatagal na nu’n para lang sirain ng mga kuwentong wala namang katotohanan.

Sa Korea nagbakasyon si Mayora Tates at ang kanyang mga anak, pero babalik din sila sa December 31, kailangang nasa bahay sila kasama si Mayor Herbert Bautista kapag New Year.

Sabi ng isang source na nakausap namin, “Si Tates na ang nagparaya. ­Inintindi na lang niya ang sitwasyon ni DJ. Napamahal na kasi sa kanya ang mga bata.”

May mga pagkakataon talagang hindi na ang kapakanan ng mga magulang ang mahalaga kundi ang kunsiderasyon na lang para sa kanilang mga anak.

vuukle comment

KARLA ESTRADA

MAYORA TATES GANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with