^

PSN Showbiz

Papalitan ng show nina Regine? Fans ng Super Junior nagwala sa napanood sa HSH

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Papalitan ng show nina Regine? Fans ng Super Junior nagwala sa napanood sa HSH
Regine

Over ang reaction ng fans ng KPop group na Super Junior sa simple at maiksing comment ni Empoy and the girls of Home Sweetie Home na napanood last Saturday night.

As in over acting samantalang ang sina­sabi lang nila ay ‘old fashioned’ ang  Super Junior at mas gusto ng girls na nasa programa ang grupong BTS.

Sa Korea nag-taping ang HSM na the other night lang napanood sa ABS-CBN.

May pa-hashtag ang KPop Pinoy fans ng #Res­pectSuperJunior and #ApologizeSuperJunior. As if talagang ang laking issue.

Hindi na ba puwede ngayong magbigay ng personal opinion or programa lang ‘yun at scripted? Hihihi. Oo naman at maraming nababaliw na mga Pinoy sa KPop at KDrama kaya nakaawa ang iba nating local singers/actors, pero ‘yun ganun kasimpleng bagay, parang sayang naman ang oras nila sa pagde-demand ng apology for a simple comment sa kanilang idolo.

Kaya naman naglabas ng apology ang Home Sweetie Home para payapain ang nagwawalang fans ng Super Junior.

“Home apologizes for a dialogue on our December 22 episode which has offended some of our Kapa­milya Super Junior fans. We have high respect for SuJu and acknowledge that they are one of the first groups to pave the way for KPop Revolution in the PH. We intended to establish their seniority, but we admit that we should have used better terms to say it. We truly regret the mistake, and it’s a learning experience for us. We will be better po next time. Maraming salamat po sa pag-unawa, and Merry Christmas, Kapamilya! ”

Pero ‘di ba ang BTS naman talaga ang super sikat na KPop group now. At worldwide ang kasikatan nila ha.

Hindi nga sila madala dito sa Manila kasi hindi umano kakayanin ng local producer ang talent fee. Kailangan daw sa Philippine Arena ang venue at almost P50k ang pres­yo ng ticket. Eh ang mga Pinoy daw kasi hanggang P20k lang ang  pinakamataas na ticket na puwedeng ibenta.

Anyway, malakas ang rumor na bilang na ang episodes ng Home Sweetie Home na ang original leading man ni Toni Gonzaga ay si John Lloyd Cruz na pinalitan na ni Piolo Pascual.

Pagpasok diumano ng 2019 ay papalitan na ito ng sitcom na pagbibidahan ng mag-asawang Ogie Alcasid and Regine Velasquez na kasama sa pinirmahang kontrata ng Asia’s Songbird. Saka ang sabi, ayaw na raw ni Piolo ng sitcom.

vuukle comment

KPOP

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with