^

PSN Showbiz

Pia natalbugan na ni Catriona?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Pia natalbugan na ni Catriona?!
Pia

Ano kaya ang naramdaman ni Pia Wurtzbach na may bago nang Pinay na humahawak ng titulong Miss Universe? Mala­king epekto kasi sa kanya ang pagkakakuha ng isa pang Pinay ng titulo ng ganun kabilis. It would have been much better for her kung naging mahaba-haba ang patlang ng kanilang pagkakasunod ni Catriona Gray. 

Many hope na maihanda na niya ang kanyang sarili na mapalitan ng ganun kadali.

Eh si Catriona, masyadong popular ngayon. Hindi kaya tuluyan na siyang matalbugan nito?

Vic first time makakuha ng ‘A’ 

Tama ang inaasahan ng maraming tagasubaybay ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, naitulak ng malayo ang pelikula sa pitong kalaban nila sa MMFF 2018 dahilan sa pagkakabigay dito ng grade ‘A’ ng Cinema Evaluation Board.

Hindi lamang masaya ang movie, napaganda pa ito ni direktor Michael Tuviera. First time ni Bossing Vic Sotto na magka-grade A sa MMFF. Eh, ilang taon na rin siyang sumasali, si direk Mike lang pala ang hinihintay para sila mapansin ng CEB.

Si Coco Martin din na first gumawa ng movie sa labas ng film arm ng ABS-CBN at kasama pa ang mga artista na itinuturing na malakas na kalaban ng kanyang network.

Kim itinodo na ang acting

Hindi alam ni Kim Chiu kung ano ang mara­ram­daman niya ngayong nakasama siya sa lis­tahan ng mga artistang babae na maaring tang­haling best actress sa gabi ng parangal ng Metro Manila Film Festival 2018.

Itinodo niya ang lahat niyang kaalaman sa pag-arte para may masabing kakaiba sa entry na gina­wa niya para sa Regal Entertainment Inc. sa pelikula na ginawa niya kapareha nina Dennis Trillo at JC de Vera. Sumabak din siya sa kanyang kauna-unahang lovescenes na dati ay ginagawa lamang niya with Xian Lim. Inaamin niya na hindi takot kung hindi excitement ang nadarama niya, hindi lamang para sa award na puwede niyang mapa­nalunan kung hindi ang karangalan na ma­pabilang sa mga magagaling na artista ng in­dus­triya at mabigyan sila ng malakas na laban para sa acting awards. Feeling ni Kim, she really has arrived as an actress.

Marco at Janella nag-iiwasan muna!

Nagpasya sina Marco Gumabao at Janella Salvador na huwag munang magkita para hindi ma-provoke ang mga fans ng ElNella na mag-react sa inaakala nilang mabilis na pagmo-move on ni Janella kay Elmo Magalona.

Nagpaka-gentleman si Marco na harapin at kausapin si Elmo at humingi ng dispensa sa pagla­bas labas nila ng ex-girlfriend nito sa panahong kahihiwalay lang nila.

“Sinabi ko sa kanya na wala akong balak na sirain ang relasyon nila at naintindihan naman niya na I was just trying to be a friend, walang ibang isyu. Na-appreciate naman niya ang ginawa kong pakikipagusap sa kanya, to clear thungs out,” paliwanag ni Marco.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with