^

PSN Showbiz

Toni may freedom sa asawa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Toni may freedom sa asawa
Toni

Sa unang pagkakataon ay nasubukan ng singer-actress-TV host na si Toni Gonzaga na maging producer under her own TinCan Productions na ang umbrella company ay ang Ten17p Productions na pag-aari ng kanyang mister, ang director-producer na si Paul Soriano. 

Ito’y sa pamamagitan ng Metro Manila Film Festival entry, ang romantic-comedy movie na Mary, Marry Me, her first movie with her younger sister na si Alex Gonzaga at balik-tambalan nila ni Sam Milby after ng siyam na taon. 

Bilang producer ay naunawaang lubos ni Toni ang trabaho ng kanyang mister na si Paul ganun din ng iba pang movie producer at hindi rin naging madali sa kanya dahil bukod sa pagiging producer ay artista pa siya sa pelikula.

Ayon kay Toni, although naroon ang kanyang mister na si Paul para sumuporta sa kanya, she was given full freedom na gawin ang gusto niya at hindi umano siya pinakialaman nito. Si Paul umano ang nag-suggest na kunin si Sam Milby para ma­ging leading man nila ni Alex. 

Kung hindi kami nagkakamali, ang Mary, Marry Me ay pang-limang pelikula na bale nina Toni at Sam na kanilang sini­mulan sa You Are The One in 2006 na sinundan ng You Got Me! in 2007.  Ginawa rin nila ang My Big Love in 2008 at Ang Tanging Pamilya in 2009.

Although naging item noon sina Toni at Sam, hindi ito issue kay Paul na very secured sa kanyang misis.

Inamin din ni Toni na ang Mary, Marry Me ay intended for a January 2019 release bilang birthday presentation nila ng sister niyang si Alex na magkasunod ang birthday in January.  January 16 si Alex at January 20 naman si Toni nang isinumite  nila ito sa MMFF ay pinalad namang makapasok sa Magic 8 na dinirek ng first time director na si RC de los Reyes.

LJ ‘di gagawing US citizen ang anak

Excited na ang Kapuso partners na sina LJ Reyes at Paolo Contis sa paglabas ng kanilang magiging first baby next month.

Baby girl ang nakatakdang isilang ni LJ na may naghihintay nang pangalang Summer Ayanna at magiging baby sister ng 8-year-old son ng Kapuso actress sa actor na si Paulo Avelino na si Ethan Akio. Magiging third daughter naman ni Paulo si Summer dahil may dalawa rin siyang anak na parehong babae sa kanyang dating asawa na si Lian Paz, sina Xonia (8) at Xalene (7).

Sina Xonia at Xalene ay parehong kasama ng kanilang inang si Lian in Cebu with her new partner, ang cager na si John Cabahug. Ang mag-partner ay meron na ring isang anak na babae  rin, si Nina Angela, now more than two years old.

Kung hindi madalas makita at makasama ni Paulo ang dalawa niyang anak na sina Xonia at Xalene, ganoon din naman si Paulo Avelino sa anak nitong si Aki kay LJ, mas madalas na kasama ng Kapuso actor si Aki na very close sa kanya.

Kung excited sina LJ at Paolo sa kanilang magiging first baby, excited din si Aki sa pagkakaroon ng baby sister lalo pa’t walong taong gulang na siya at kaya na niyang alagaan at ipagtanggol ang kanyang kapatid.

Samantala, kung si Aki ay isinilang ni LJ sa New York City kung saan naka-base ang ina at kapatid ng aktres, dito naman sa Pilipinas nakatakda niyang isilang si Summer Ayanna sa susunod na buwan.

Malungkot ang Pasko...

Malungkot ang Pasko at Bagong Taon sa pamilya ng Concert Queen-turned concert producer na si Pops Fernandez sa pagpanaw ng kanyang nakababatang kapatid na si Edwin Fernandez nung uma­ga ng December 19 dahil sa lingering illness nito sa kidney na labas-masok ng pagamutan.

Ito bale ang unang Pasko at Bagong Taon na hindi na nila ma­ka­kasama si Edwin.

Sina Pops at Edwin ay mga anak ng dating aktres na si Dulce Lukban sa namayapa na ring actor na si Eddie `Lagalag’ Fernandez.  Ang dalawa ay meron pang two half-siblings sa kanilang ina na sina Joey at Jocelyn Alberto.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with