^

PSN Showbiz

Ogie marunong mag-share kaya tuloy ang pagyaman!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ogie marunong mag-share  kaya tuloy ang pagyaman!
Ogie

Isa ako sa pinaka-happy tuwing nakikita ko ang success ni Ogie Diaz kasi cute sa akin ang istorya niya. Pareho kami na nanggaling sa Sampaloc at nakakatuwa na magkasama kami ngayon sa showbiz.

Kapag nagkikita kami ni Ogie, isa sa madalas namin pagtawanan ang mga problema ng pamilya namin. Pareho kasi ka­ming breadwinner, halos pareho ang mga problema na dumarating sa amin at nakakatuwa na nagagawa na lang namin tawanan at dalhin ‘yon nang magaan.

Pareho rin na hindi namin dinadala nang mabigat ang anumang dumarating, basta dumating, harapin. Kapag hindi nakita ang solusyon, eh di okey lang.

Siguro dahil din sa alam ni God na anuman ang ginagawa namin, para sa pamilya namin kaya binigyan niya kami ng sobra, para ma-share.

Talbog lang ako ni Ogie dahil sa dami ng mga anak niya, lahat may US visa. Lahat naisama na niya sa biyahe.

At talagang ginulat niya ako dahil isang araw, binigyan niya ako ng tseke na 20K bilang regalo. Bongga siya.

Ang dali na niya na mag-issue ng 20K na tseke, maraming pondo ang bank book niya. Hahaha.

Maganda rin ang investment ideas ni Ogie, magaganda ang mga binibili niya na properties, tumataas ang presyo dahil maganda ang location.

Sa lahat ng kanyang mga naipon at pinaghirapan, isang bagay lagi ang nasa isip niya, ang i-share niya ito sa buong pamilya niya kaya nga pinagpapala siya.

Ito na lang birthday gift ko sa ’yo Ogie sa kaarawan mo sa January 2, isang pagpupugay ng kaibigan sa isang friend na yumayaman every year, happy birthday in advance.

Boyet, Joanna at Gina, may k maging hurado

Mga hurado sa Metro Manila Film Festival 2018 sina Christopher de Leon, Joanna Ampil at Gina Alajar na pare-parehong nanalo ng mga acting award sa naturang festival noong mga nakaraan na taon.

Hindi matatawaran ang husay sa pag-arte nina Christopher at Gina dahil multi-awarded actors sila kaya may mga karapatan ang dalawa na maging hurado ng MMFF.

With Christopher and Gina around, sure ako na karapat-dapat na manalo ng mga parangal ang kanilang mga iboboto, hindi dahil sikat o kaibigan nila ang mga nominado.

Malalaman sa December 27 sa Gabi ng Parangal ng MMFF sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino ang mga pinili na winners nina Christopher, Gina at ng ibang mga judge.

vuukle comment

OGIE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with