^

PSN Showbiz

Nora pinagpapaliwanag sa emote ni Lotlot!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Nora pinagpapaliwanag  sa emote ni Lotlot!
Nora

Matapos ang palitan ng salita sa pagitan ni­na Nora Aunor at Lotlot de Leon sa hindi pag­da­lo ng una sa kasal ng kanyang anak, hinihintay na­man ngayon ng marami ang reaksyon ng Superstar sa ginawa niyang pangdi-dedma sa isang mahalagang okas­yon ni Lotlot at maging ng buo nilang pamilya. 

Naglabas ng kanyang damdamin ang bagong bride na si Lotlot de Leon Soury sa kanyang social media account na kung saan ay sinabi nito na wala siyang tampo o galit sa kanyang ina, at baka may mas mahalagang bagay na na­ging dahilan para hindi ito nakadalo sa wedding pero, nagpapasalamat siya sa ginawa nitong pag-aampon sa kanilang magkakapatid at pag-aaruga sa kanila. Ganun din sa tumayong ama nila na si Christopher de Leon. 

Hinihintay ngayon ang magiging paliwanag ni Nora sa naging kaganapan, kung magbibigay siya, gawin man niya ito in public or in private ay hindi na mahalaga, ang importante ay malaman ang panig niya. It’s your move, Nora.

Reality ni Dondon palalakasin

Mukhang pabobonggahin ni Dondon Monteverde ang kumpanya niyang Reality Entertaiment sa dami ng plano niyang projects sa 2019. Magtatapos na ang principal photography ng part 2 ng On The Job na nagtatampok kina Dennis Trillo at John Arcilla. Nakaarangkada na rin ang horror movie nila ni Sharon Cuneta na pareho nilang ikinae-excite dahil first time nilang manakot ng manonood. 

In the past, nasanay sila sa action na forte ni Erik Matti na bahagi ng kum­panya. Pumirma na rin ng kontrata sa kanila si Judy Ann Santos na alam ng lahat ay drama queen kaya siguradong sa drama naman ito isasalang.

Pabangong gawa sa ilang-ilang, hindi matanggal ang bango 

Isa sa nakilala namin sa aming pangangaroling ng PMPC ay si Gng. Nida Tuazon, nagmamay-ari ng Halimuyak Pilipinas, gumagawa ng isa sa pinakamasarap sa pang-amoy na pabango. Malayo pa kami sa kanyang opisina ay amoy na amoy na namin ang kanyang produkto. At maski na nung makatapos na kaming kumanta at kumain ng inihanda niyang meryenda ay nag-linger pa ang napakabangong amoy na nalaman kong nagmumula pala sa bulaklak ng ilang-ilang at hindi sa imported na bulaklak. 

Kung ganun kabango ang bulaklak na Pinoy na Pinoy, hindi nakapagtatakang ito ang isinasabit natin sa ating mga poon at santo at inilalagay sa ating mga altar. Kaya pala mabilis ang pag-unlad ng Halimuyak Pilipinas.

Ken nagpapatulong mahanap ang ama

Marami ang naawa at natuwa sa ginawa ni Ken Chan na mas kilala na ngayon bilang si Boyet sa My Special Tatay kung saan nagpatulong siyang hanapin ang tatay niyang si Edgar (Jestoni Alarcon). Nawawala kasi ito matapos maaksidente. Sa tulong ng Instagram, nagpatulong siya na hanapin ang minamahal na ama. Mahanap kaya niya ito?

Sylvia magpapaiyak sa MMK

Paiiyakin kayo ngayong gabi nina Boots Anson Roa, Sylvia Sanchez, Nonie Buencamino at James Blanco sa isang family drama na hitik na hitik sa ganda, ngiti at luha na bagay na bagay ngayong Kapaskuhan sa MMK.

 Kuwento ng isang pamilya na sinubok ng pagkakataon at binigyan ng napakaraming unos sa buhay pero, nagawa nilang lampasan, hindi dahilan sa kanilang pagkakaisa, kundi yun ang nakatadhana sa kanila.

Mula sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Benson Logronio, tampok din sa episode sila Alexa Ilacad, Mark Acueza, Tom Doromal, Axel Torres at Ced Torrecarrion.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with