^

PSN Showbiz

Nanay ni Sarah stable na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nanay ni Sarah stable na
Ester at Sarah

Sa balita, lagi raw nasa Cebu si Sarah Geronimo sa piling ni Matteo Guidicelli. So, anong problema?

Nasa edad na sila pareho, about time na mag-asawa na sila. Ang tagal na rin ng kanilang relasyon at wala nang dahilan pa para iurong kung may wedding plans ang dalawa.

Suportado ng fans nila ang relasyon nila ha base sa mga comments ng fans nila sa ­aking IG account na meron nang 70.3 followers.

Si Sarah Lahbati naman, so sad kasi very close siya sa nanay niya na muntik nang malunod sa Siargao at mabuti na lang, nailigtas. 

Nagpapagaling na ngayon ang nanay ni Sarah L. sa St. Luke’s Medical Center at ligtas na siya sa tiyak na kapahamakan

Mula sa ICU, inilipat na si Ester Lahbati sa regular room ng ospital.

Malapit na ang Pasko nang mangyari ang disgrasya at napakalaking emotional pain ‘yon para sa isang anak.

Wala talagang pinipili na oras ang disgrasya. Ang akala mo, okey na ang lahat tapos biglang may mga mangyayari.

Nalunod ang nanay ni Sarah L. habang nagsi-swimming kahit nag-aaral lumangoy.

Mabuti na lang, nasagip siya ng kanyang asawa or else, baka mas grabe pa ang nangyari.

Cost Cutting sa regalo damang-dama

Ang cute ng ugali na ipinapa-deliver na lang ang mga regalo sa mga delivery company tulad ng Lalamove at Grab.

Inihahatid na lang sa bahay ang mga regalo at bilang ebidensya, kinukunan ng litrato ang mga tumatanggap ng package.

At dahil ganoon na nga ang kalakaran, sabi ng kasambahay ko, dapat lagi siya na nakaayos para okey ang itsura niya sa picture taking. Bongga di ba?

Mas madali nang ipahatid ang mga regalo dahil sa matinding traffic sa Metro Manila. Competent at mapagkakatiwalaan din ang mga naghahatid.

Isa pa na napansin ko ngayon Mama Salve, hindi kagaya last year na talagang tambak ang Christmas basket. Now konti lang ang nagbigay ha at hindi gaya nang dati na ang lalaki. Now small size na lang. Obvious talagang cost cutting this year dahil parang talagang namili lang ang nagbigay ngayon ng kanilang bibigyan unlike noon na parang ok give mo lahat. Now iyon nasa listahan na lang, hah hah hah. Dapat naman noh kasi nga sa traffic na lang, ang hirap magpadala ng regalo, tapos iyon pang iba may binigay ka na pipintasan pa. Iyon iba naman, hindi na-appreciate na naalala sila.

Kaya siguro nga, nag-ingat din magbigay ng regalo ang iba ngayon and I don’t blame them noh dahil ang diwa ng Pasko ay nasa puso naman. With or without the gift, basta alam mo mahal ka nung tao ok lang. Kahit walang gift. 

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with