^

PSN Showbiz

Vic-Coco movie, nabigyan ng A!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Vic-Coco movie,  nabigyan ng A!
Maine

Masaya sigurado ang grupo ng Jack Em Popoy na nagtatampok sa unang pagkakataon sa tambalan nina Vic Sotto at Coco Martin kasama si Maine Mendoza. Nabigyan ang pelikula nila ng Cinema Evaluation Board ng grade na “A”.

Maaaring may mga iba pa sa walong pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018 ang swerteng nakakuha rin ng ganitong grado na ang ibig sabihin lamang ay talagang maganda ang pelikula at maituturing nang nangunguna sa pitong kalaban nito. Malaking karangalan din ito ng direktor ng pelikula na si Michael Tuviera dahil madaragdagan ang interes ng manonood na malaman kung bakit sila graded A.

Hindi lamang nakakatawa ang pelikula gaya ng nakikita sa mga trailer na ipinalalabas para dito kundi may maganda pa ring kuwento ito na kalulugdan ng manonood. Hindi lamang box-office ang habol ng mga nagprodyus ng movie na MZET, CMP at APT kundi maging ang artistic values nito. Binabati ko ang lahat ng may kinalaman sa pelikula.

Alma, aligaga sa pagiging distributor ng Beautederm

Napakaswerte rin ng Beau­tederm dahil napakasipag ng mga artistang nag-eendorso ng mga produkto nito. Hindi lamang sila kumikita ng malaki, ginagawa na rin nilang magandang negosyo ito. Si Alma Concepcion ay punung-puno ang bahay ng mga produkto ng Beautederm kaya nag-iisip na siyang magtayo ng isang outlet sa Parañaque para maging maayos ang distribution niya ng mga produkto, gagawin niya ito sa mga unang buwan ng 2019.

Sa pagiging abala niya sa kanyang negosyo ay nababawasan ang pagka-miss niya sa kanyang anak na lalaki na pinayagan niyang mag-aral sa Australia. Hindi talaga siya payag na magkalayo sila pero, ayaw naman niyang basagin ang trip ng anak niya kaya napahinuhod na rin siya. Nung una ay palagi siyang umiiyak pero natutunan na rin niyang tanggapin na para sa ikabubuti nito ang ginawa niyang pag-alis.

Bukod sa trabaho niya sa Beautederm ay abala si Alma sa kanyang pag-aartista. Marami pa namang offer na nagpapasaya sa kanya dahil may naniniwalang marunong pa ring umarte ang Bi­nibining Pilipinas International 1994. Isa siya sa mga nagbunyi sa victory ni Catriona Gray sa Bangkok, Thailand bilang Miss Universe. 

“Kaya lang mapapagalitan ako ni Ms. Stella Araneta kapag nalaman niyang humarap ako sa inyo nang hindi nakaayos at walang make-up. Kabilin-bilinan niya sa lahat ng beauty queens niya na pala­ging maganda kapag humaharap sa tao,” sabi niya. (There were more than 30 of us PMPC members who caroled her a few nights back).

Maganda pa rin siya kahit walang make-up. Aakalain mo na may nagpapaganda sa kanya pero, wala pala. Single siya since umatras siya sa kasal sa isang lalaki na akala niya ay itinakda para sa kanya.

Yam nakadikit na sa pagiging kabit!

Maraming dapat ipagpasalamat si Yam Concepcion sa serye niyang Halik. Ito ay sa kabila ng pagbibinyag sa kanya bilang Pambansang Kabit. Sa halip na maapektuhan, masaya siya na naitatawid ang role niya bilang Jade sa controversial series. Pero syempre, kailangan niyang tapusin muna ang pagiging kabit para makapagsimula siya ng bagong project.

Baka nga naman maapektuhan ni Jade ang mga susunod niyang roles kaya, wait muna siya pero may mga offer na at plano para sa kanya ang Kapamilya. Nakita rin sa serye na marunong siyang umarte. Aabot pa ng first quarter ng 2019 ang Halik.

Nora hindi mahilig sa kasalan?!

Hindi na naman sinipot ni Nora Aunor ang kasal ni Lotlot de Leon. May sinabihan daw siya na hindi siya imbitado kaya bakit siya pupunta pero, mismong ang bride ang nagsabing imbitado siya. At kung iba-backtrack ang record ng Superstar, hindi rin niya sinipot ang naunang kasal ni Ian de Leon.

Sayang, nakapag-bonding sana sila ng mga anak niya. Matagal-tagal na ring may gap sa pagitan nilang mag-iina. ‘Yung wedding ang perfect time and occasion para magkita’t magkasundu-sundo sila, bakit pa niya pinalampas? Marami ang nagsasabing inimbita siya, it was a family affair lahat ng pamilya ay narun, except her. Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment

JACK EM POPOY

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with