^

PSN Showbiz

Maris, may sariling restaurant na Sho ews now na

Pilipino Star Ngayon
Maris, may sariling restaurant na Sho   ews now na
Maris

Sa murang edad ay natutunan na ni Maris Racal na paikutin sa iba’t ibang investment ang perang kanyang kinikita mula sa trabaho.

Marunong na ang dalagang alamin kung ano ang mga bagay na importante na kanyang pagkakagastusan. “Ngayon unti-unti na akong natututo mag-treat ng self but I make sure na lahat ng binibili ko worth it. Hindi ‘yung nagwawaldas lang kasi sayang naman ‘yung money. Marami po akong accounts then ini-scatter ko ‘yung money ko sa mga bagay na importante. Ini-invest ko siya to multiply,” pagbabahagi ni Maris.

Ngayon ay nakapagbukas na rin ng sariling restaurant ang baguhang aktres sa Davao. “’Yung pinapa-handle ko ng lahat, brother ko. Small time pa lang siya, hindi pa siya nag-grand opening. Siguro soft opening pa lang siya and hindi pa siya ‘yung built na talaga. Family resto, ako po talaga ang nag-fund,” nakangiting pahayag ni Maris.

Marami pa raw ang naiisip na pasuking negosyo ang dalaga sa mga susunod na taon. “Siguro sa right age na talaga ‘yung mga business na kailangan ng time and effort. Ngayon kasi parang nag-focus ako. Bale, ‘yung self ko ‘yung business ko, na parang ini-invest ko ‘yung time and effort and money ko sa lahat ng bagay na nakakapag-help sa akin, na I know will help me in the future. So mas ngayon nagpo-focus ako for longevity,” paliwanag ni Maris.

Aiko ayaw nang kausapin si Jomari!

NAPAG-UUSAPAN NA NINA AIKO MELENDEZ AT Jay Khonghun ang tungkol sa pagpapakasal. Matagal-tagal na rin kasing magkasintahan ang aktres at ang Mayor ng Subic kaya sumasagi na sa isipan ang pag-iisang-dibdib. “Oo, in passing we talk about it. We just couldn’t give a final date kasi madami pa kaming inaayos din. Hindi ko alam eh, kukuha kami ng best wedding planner para iba ‘to, todo na ‘yon. Sana, hindi pa nagpo-propose ha. Itong singsing na ito, binili ko ‘to ha,” natatawang pahayag ni Aiko.

Wala raw problema sa dalawang anak na sina Andre at Marthena kung sakali mang magpakasal muli ang aktres. “I think so, kasi happy sila na happy ako. And si Andre lalo na lalaki, lagi ako sinasabihan na, ‘Ma, sana ito na. Ayaw na naming makakita ng ibang kasama. Nakakapagod, you’re not getting any younger. Gusto namin na ma-secure ka naman, na may mag-aalaga na sa iyo habambuhay,” kwento ng aktres. Hindi raw pabor ang bunsong anak ni Aiko na magkaroong muli ng bagong anak ang aktres kung sakali. “I don’t think so, my daughter ayaw na eh, hindi ko alam ha. I’m 43 (years old) pwede pa naman, nagkakaroon pa naman ako. Ewan ko pero di ‘yon ang priority namin,” nakangiting pahayag ng aktres.

Samantala, sa ngayon ay hindi na raw nakakausap ni Aiko ang dating asawa na si Jomari Yllana. “Hindi kami nag-uusap eh. Napagkasunduan namin na mas mabuti nang huwag kami mag-usap para hindi na lang nagkakasakitan. Para hindi na rin ako makasabi ng mga words na hindi ko rin gusto sabihin,” pagtatapos niya.

vuukle comment

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with