^

PSN Showbiz

Vice pinaghihinay-hinay kay Calvin

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Vice pinaghihinay-hinay kay Calvin
Vice at Calvn

SEEN: Inaasahan na maluwag nga­yong umaga ang traffic situation sa Metro Manila dahil nakatutok ang karamihan sa live telecast ng 67th Miss Universe na mapapanood sa ABS-CBN.

SCENE: Positive thinker si Miss Universe Philip­pines Catriona Gray kaya may sagot na siya sa tanong tungkol sa kanyang mga gagawin sa first 100 days niya bilang Miss Universe 2018.

SEEN: Kinumpirma ni Catriona Gray na may labindalawang kulay ang gown na gagamitin niya sa long gown competition ng Miss esUniverse 2018. May mga hula na Sarimanok inspired ang gown ni Catriona. Ang Sarimanok ang multi-colored mythical bird ng mga Maranao sa Min­danao.

SEEN: Ipagdiriwang nga­yon ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang 40th birthday. Time out muna si Pacquiao sa boxing training niya para sa laban nila ni Adrien Broner sa January 19, 2019 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

SCENE: Ipapa-renovate ni Michael V. ang bahay niya sa exclusive village sa Quezon City kaya pansamantala na maninirahan sila ng kanyang pamilya sa isang condominium unit na pag-aari niya.

SEEN: Unopposed sa May 2019 midterm elections ang kanyang asawa na si Dan Fernandez ang kuwento ng former actress na si Shiela Ysrael. Si Dan ang incumbent mayor ng Sta. Rosa City, Laguna at muling kakandidato na congressman ng first district ng Laguna.

SCENE: Patuloy na pinipilahan ng mga Pilipino sa mga sinehan ang Aquaman na para sa kanila ay isa sa mga pinakamaganda na American superhero film.

SEEN: Ang balita na pinayuhan umano si Vice Ganda ng ABS-CBN management na maghinay-hinay sa pagbabahagi sa It’s Showtime viewers ng mga bagay-bagay tungkol sa kanila ng kanyang rumored boyfriend na si Calvin Abueva.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with