^

PSN Showbiz

Derek tinularan sina Rayver at Jason

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Derek tinularan  sina Rayver at Jason
Derek

Maganda ang ibinabadya ng bagong taong 2019 sa GMA 7. Magsisilbing isang buwena mano sa network ang ga­ga­­wing pagpirma ng kontrata sa kanila ni Derek Ramsay, isang aktor na matagal na nilang hinihiling na magtrabaho sa kanila. Wish granted ang pagpapas­ya na gagawin ng aktor na nangakong sila ang gagawing unang agenda for 2019.

Makakabilang na si Derek kina Rayver Cruz at Jason Abalos na nauna nang iniwan ang ABS CBN para lumipat ng GMA para mapahaba ang kanilang roster ng mga leading men na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Gabby Concepcion, Tom Rodriguez at marami pa na maaring ipa­reha kina Jennylyn Mercado, Carla Abellana, Ma­rian Rivera, Lovi Poe, Heart Evangelista, atbp.

Moira kina-career ang kasal

Sana mapangatawanan ni Moira dela Torre ang kanyang ginagawang pagpapapayat hindi lamang para sa kasal niya sa January 2019 kundi para rin sa kanyang karera sa showbiz. Napakabilis ng pag-a­ngat ng kanyang karera dahil bukod sa talaga namang magaling siyang singer ay marunong din siyang gumawa ng kanta. Maganda rin siya.

Sayang ang swerte at magandang pagkakataon. Wala ring bride to be na gustong rumampa patungong altar na hindi ang wedding gown niya ang mapapansin kundi ang malaki niyang pangangatawan.

Bong ‘di pa agad puwedeng mag-pelikula

Expected naman ng lahat na ang paggawa ng pelikula ang bibigyan ng pra­yoridad ni Bong Revilla ngayong malaya na siya. Malayo kayo pa naman ang eleksyon at hindi man siya ang maging artista sa gagawin niyang movie, magiging abala siya sa produksyon nito. Hindi naman kasi siya papayagang gumawa ng pelikula kung lalahok siya sa eleksyon bagaman at pwedeng gawan niya ng follow up ang unang ginawa ng kanyang amang si Ramon Revilla, Sr. na movie tungkol sa Balanggiga Massacre lalo’t nabawi na ng bansa ang tatlong Balanggiga bells sa mga kumuha nito. Knowing Bong, papatulan niya ito pero, di pwedeng mapanood sa panahon ng kampanya sa pulitika at eleksyon. Tsk. Tsk. Tsk. 

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with