^

PSN Showbiz

‘Nakaka-torture ang ‘di panonood ng Koreanovela’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Over ang torture sa akin dahil one week na akong hindi nakakapanood ng Korea­novela dahil sa sipon at ubo plus parang malabo ang tingin ko kaya pass muna ako sa pano­nood ng Wok of Love.

Kainis talaga dahil kahit sa Christmas party ni Jun Lalin na may early bird prize, naligo ako nang maaga kaya gininaw ako sa unang buhos ng tubig pero P1,500 lang pala ang premyo.

‘Yan ang dahilan kay bumigay ang katawan ko kaya hindi ko na rin na-enjoy ang Christmas party ni Rams David. Torture dahil one week ako na walang narinig na Korean soundtrack. Feeling ko pa naman, gagaling ako kapag nakarinig ako ng Korean song.

Talagang kapag 71 years-old ka na, ingat-ingat na. Fragile na ang katawan mo na akala mo ay katawan ni Wonder Woman. Hindi na puwede ang mga bara-bara na kilos. Mag-iingat na talaga ako dahil ako ang one person who really enjoys Christmastime.

Bong at Lani binisita ang paboritong resto

Nag-breakfast ang mag-asawang Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado sa Annabel’s restaurant sa Quezon City, ilang araw matapos na lumaya si Bong mula sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Ang Annabel’s ang isa sa mga favorite restaurant ni Bong kaya kapag may mga presscon siya noon, talagang sa Annabel’s ang venue, wala nang iba pa.

Nakakulong si Bong nang magkaroon ng mga presscon para sa kanyang mga anak na sina Bryan, Luigi at Jolo, ang mga bida sa Tres na ipinalabas sa mga sinehan noong October 3, 2018.

Siyempre, ginanap ang presscon sa Annabel’s dahil ito ang gusto ni Bong.

Bukod sa masasarap ang mga pagkain at very homey ang ambience, mababait at maasikaso ang staff ng Annabel’s. Sanay na rin sila sa mga artista kaya hindi starstruck ang mga waiter at ang mga empleyado.

Noong nakakulong si Bong, hindi nakakalimot ang management ng Annabel’s na padalhan siya ng kanyang mga paborito na pagkain dahil marunong sila na magpahalaga sa kanilang mga customer.

Dahil na-miss ni Bong ang masasarap na pagkain at good service ng Annabel’s, nag-almusal sila ni Lani sa kanyang favorite restaurant sa Quezon City, kahit malayo ito sa bahay nila.

Parade of Stars kinasasabikan!

Ang bilis talaga ng panahon, imagine, eight days na lang, Pasko na at hudyat ito ng pagsisimula ng Metro Manila Film Festival 2018.

Ang Parañaque City ang host ng Parade of Stars na magaganap sa December 23 pero hindi pa inilalabas ng MMDA ang ruta ng parade na lalahukan ng lahat ng mga artista ng mga pelikula na kasali sa 44th edition ng Metro Manila Film Festival.

Importante na ilabas ng MMDA at ng host city ang mga lugar na daraanan ng parada para maiwasan ito ng mga motorista na ayaw maipit sa traffic sa December 23.

Hindi kumpleto ang Metro Manila Film Festival kapag walang parada ang mga artista dahil isa ito sa mga highlight ng annual filmfest.

Lumuluwas pa sa Metro Manila ang mga kababayan natin mula sa malalayong probinsya para makita nang personal ang kanilang favorite stars.

Kung excited ang fans sa Parade of Stars, equally excited ang mga artista na sasakay sa float dahil feeling nila, kumpleto na ang kanilang pagiging artista bilang kakaibang karanasan talaga ang magkaroon ng pelikula na kasali sa December film festival.

vuukle comment

JR.

BONG REVILLA

KOREA­NOVELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with