^

PSN Showbiz

Rich Asian seniors na sina Mother Lily at Manay Ichu, hindi nababawasan ang sigla!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rich Asian seniors na sina Mother Lily at Manay Ichu, hindi nababawasan ang sigla!
Mother Lily at Manay Ichu

Si Mother Lily Monteverde talaga ang inspiras­yon ko dahil sa edad na 80, humahataw pa rin siya sa pagsasayaw tulad nang ginawa niya sa kanyang birthday party noong August 19 at sa bonggang Christmas party ng Regal Entertainment Inc. noong Huwebes.

Idol at inspirasyon ko rin si Manay Ichu Vera Perez-Maceda ng Sampaguita Pictures na siya pa ang nagdadala sa sarili niya sa ospital kapag not feeling well.

Nakakaloka na sa edad nila, up and about sila as in parang walang mga nararamdaman at marami ang ginagawa.

Si Manay Ichu nga, together with Bishop Soc Villegas, nasimulan pa ang kanilang advocacy, ang Holy Rosary Crusade na napapanood na sa telebis­yon at mga sinehan.

Si Mother Lily naman, busy sa promo ng One Great Love, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival.

Nakakabilib ang stamina nina Mother at Manay Ichu kaya sabi ko nga sa sarili ko, wala akong karapatan na magreklamo tungkol sa sakit ng katawan dahil kung work nang work ang mga rich Asian senior, hindi puwedeng mag-complain ang poor Asian na tulad ko.

Pero na-realize ko na kapag matanda ka na pala at may-sakit, iba ang emotional feeling mo.

Kapag bata ka pa, ang nanay mo ang alalang-alala sa’yo. Inaalagaan ka, tinatanong kung nainom mo na ang gamot at kung okey na ang pakiramdam mo.

Kapag matanda ka na, usually, ayaw mo na ipa­alam sa iba ang sakit mo. Ayaw mo na natataranta ang mga tao sa paligid mo lalo na kapag hindi sila sanay na may sakit ka.

Kung minsan, ang mga kasama mo sa bahay ang tanging nakakaa­lam tungkol sa tunay na kalagayan mo.

At totoo ang sinasabi na mas matigas ang ulo ng mga matatanda.

Maririnig mo na “Ate, bakit ligo ka nang ligo, meron kang lagnat?”

Hindi kasi nila alam na meron kang mga tao na kailangan na harapin at siyempre, ayaw mo ng feeling na hindi ka naligo.

Kaloka talaga dahil kung kailan sunud-sunod ang mga Christmas party at mga presscon, saka ako nagkaroon ng ubo at sipon.

Hindi nakakalimot tuwing Pasko…

Ang bait-bait talaga ng Romulo family dahil hindi sila nakakalimot tuwing Pasko at kapag may mga special occasion.

Maraming salamat sa magkapatid na Mons at Berna Romulo, pati na sa kanilang sister in-law na si Shalani Soledad Romulo dahil sila pa ang gumawa ng paraan na maipadala sa akin ang Christmas gifts nila.

How sweet ang thoughtfulness nila at makikita mo may effort sila na pagandahin ang packaging ng kanilang mga regalo. Talagang pinag-isipan nila kaya feeling special ka talaga sa kanila.

Manny nagpamudmod ng milyones sa mga kasambahay!

Touching naman ang kuwento na gumastos si Senator Manny Pacquiao ng tatlong milyong piso para ipamudmod bilang Christmas present sa mga kasambahay, security guard at driver sa exclusive village sa Makati City na tinitirhan nila ng kanyang misis na si Jinkee.

Now we know kung bakit patuloy na pinagpapala si Papa Manny dahil marunong siya na mag-share ng blessings sa mga nangangailangan.

Alam din natin na galing sa sariling bulsa ang datung na ipinamudmod niya, hindi sa kaban ng bayan. Saludo ako kay Papa Manny kaya wish ko na manalo uli siya sa kanyang  boxing fight sa January 2019 dahil kung mag-win ang Pambansang Kamao, mas marami ang kababayan natin na matutulungan niya.

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with