^

PSN Showbiz

Pang-Hollywood na sound stages ng ABS-CBN sa Bulacan, bukas na

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pang-Hollywood na sound stages ng ABS-CBN sa Bulacan, bukas na

MANILA, Philippines — Binuksan na ng Kapamilya Network ang dalawang sound stages nito sa San Jose Del Monte, Bulacan the other day (Disyembre 12) na pang-Hollywood ang level. Isinabay nila ang opening sa paggunita sa ika-65 na anibersaryo ng telebisyon sa Pilipinas.

Ayon kay ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, layunin ng kumpanya ang maipakita ang husay ng Pilipino sa buong mundo sa pamamagitan ng paggawa ng mga de-kalibreng palabas gamit ang mga makabagong pasilidad na ito. “We want to bring ABS-CBN content to the international stage, and having a state-of-the-art facility and a world-class production team is a big step for us towards that direction and dream,” Katigbak said.

Naniniwala naman si ABS-CBN chairman Mark Lopez na kayang makipagsabayan ng bansa natin sa ibang mga bansa, kung saan karaniwang sa sound stage na sinu-shoot ang mga eksena sa mga palabas sa TV at pelikula. “What I’m most proud of about this project is that we’re creating Hollywood-level sound stages which puts us at par with the rest of the world.”

Ideya pala ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III ang pagtatayo ng sound stages na aniya’y makakatulong sa paggawa ng mga produksyon na mag-aangat sa pangalan ng bansa sa ibayong dagat. “Completing the sound stages represents a very major step for ABS-CBN in terms of our ability to create much better production. Through this we can show the world the best of the Filipino,”  sabi ni Lopez III.

Simula 2019, magagamit na ng Kapamilya network ang sound stages na nasa loob ng isang 7.7-hectare na IT park, kung saan mayroon ding mga itinayong opisina, dressing room at meeting room, rehearsal studio, at iba pang pasilidad na kailangan sa produksyon.

Una nang nakalinyang gawin dito ang teleseryeng The Faithful Wife at  Darna ni Liza Soberano  na uumpisahan ang shooting sa second quarter ng 2019.

Katuwang ng ABS-CBN sa pagtatayo ng high-tech na sound stages o studios na may laking tig-1,500 sq. m. ang Manhattan Beach Studios na kumpanya sa Los Angeles, USA.

Nagsimula na rin sa masinsinang workshop at training ng mga production staff ng Kapamilya network upang mahasa ang galing at kakahayan nilang gumawa ng dekalidad na palabas gamit ang mga bagong pasilidad. Bubuksan din ang sound stages sa ibang mga kum­panya rito sa bansa o mula sa ibang bansa na nais gamitin ang pasilidad para sa kani-kanilang proyekto.

Kasama nina Lopez III, Lopez, at Katigbak sa pagpapasinaya ng sound stages sina ABS-CBN board member at dating president at COO Freddie Garcia, ABS-CBN board adviser, dating president at CEO, at kasaluku-yang chief creative officer na si Charo Santos-Concio, ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes, at ABS-CBN Film Productions, Inc. managing director Olive Lamasan, kasama rin sina Rep. Rida Robes, Mayor Art Robes, at iba pang mga taga-ABS-CBN.

Anyway, dahil sa opening ng nasabing sound stages, mas lalo umanong umakyat ang presyo ng real state sa nasabing lugar.

Since daw kasi mag-start ang construction noon, marami nang mga artista ang nagsibilihan ng property sa Bulacan.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with