^

PSN Showbiz

Cong. Albee balak bumili ng TV network!?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Cong. Albee balak bumili ng TV network!?
Cong. Albee

Nasagap ko ang balita na interesado umano si Congressman Albee Benitez na bilhin ang isang television network at ito ang itatanong ko sa kanyang BFF na si Marivic Larrazabal pag tinawagan niya ako.

Hindi ko na sasabihin ang name ng television network pero nakakagulat ang balita na nakarating sa akin dahil ang alam ko, ang theme park na Magic Kingdom na ipinapatayo ni Papa Albee sa Silay City ang pinagkakaabalahan niya.

In fairness kay Papa Albee, magaling siya na businessman kaya sure ako na may kakayahan at karapatan siya na maging owner ng isang television network. Hindi rin siya kakandidato ngayong election kaya may times mag-asikaso ng kanyang mga negosyo.

At habang hindi ko pa alam ang tumpak na kasagutan sa isyu na nalaman ko, babatiin ko muna si Papa Albee ng happy birthday dahil magdiriwang siya ng kaarawan sa December 20.

Bongga talaga ang may kaarawan sa buwan ng December dahil mga achiever, kind-hearted, generous, madaling lapitan para tumulong sa mga nangangailangan.

Si Mama Marivic din ang nag-remind sa akin tungkol sa 43rd birthday ni Makati City Mayor Abby Binay noong December 12.

Gaya ni Papa Albee, workaholic si Mayor Abby na isa sa mga plano ang alagaan ang kanyang anak na babae kapag nag-retire na siya sa public service. Pangarap ni Mayor Abby na hands on siya sa pag-aalaga sa anak niya kapag nakumpleto na ang paglilingkod niya sa kanyang mga kababayan sa Makati City.

Si Papa Albee naman, personal na inaasikaso ang construction ng Magic Kingdom na puwedeng itapat at ilaban sa Disneyland dahil dream niya na mapasaya ang lahat, hindi lang ang kanyang mga kababayan sa Negros Occidental.

December born din si Papa Manny Villar na nagdiwang kahapon ng birthday. Si President Rodrigo Duterte lang naman ang bumati kay Papa Manny ng maligayang kaarawan.

“You are a good man, respetado at ako ay sumasaludo sa inyo. Idol kita. Happy birthday, sana mabuhay ka in the next 1000 years, kailangan ka ng kapwa mo tao,” ang birthday message ni Papa Digong sa aking favorite senator of all time.

RS nakakaloka ang generosity!

Good karma rin ang Frontrow International owner at ang aktor na si RS Francisco dahil generous din siya sa mga nangangailangan at maraming natulungan ang kumpanya niya.

Balitang-balita na nag-blow out si RS ng entertainment writers sa Singapore at bongga ang mga pa-raffle niya tulad ng trip to Hong Kong at malalaking television set.

Kaya nagulat ako nang may maghatid sa bahay ko ng 70-inch television, courtesy of RS.

Nakakaloka ang generosity niya ha? Naisip ko tuloy na panoorin ang kanyang movie na Bhoy Intsik para malaman ko kung bakit siya nag-win ng Best Actor trophy sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club.

Pinanood ko rin sana ang stage play na Madame Butterfly na may kalayuan ang venue kaya hindi ko pinuntahan.

Mukhang passionate person si RS kaya sure ako na passionate actor din siya sa kanyang craft kaya may karapatan na mag-win ng mga acting award.

Saka hindi magiging BFF ni Gretchen Barretto si RS kung hindi ito okey na kaibigan. Isa si RS sa mga tao na pinagkakatiwalaan at very close sa puso ni Greta na ipagdiriwang ang Christmas at New Year sa San Francisco, California, sa piling ng kanyang anak na si Dominique at ng love of her life na si Papa Tonyboy Cojuangco.

vuukle comment

ALBEE BENITEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with