^

PSN Showbiz

Isabelle sa abroad pabibinyagan ang anak

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Isabelle sa abroad pabibinyagan ang anak
Isabelle & son
Isabelle & son

SEEN: Nagustuhan ni Sunshine Dizon ang Bali, Indonesia nang dumalo siya sa despedida de soltera para kay Iza Calzado noong November 2018 kaya sasalubungin nila ng kanyang mga anak ang 2019 sa naturang beach resort.

SCENE: Si Sunshine Dizon ang gumaganap na nanay ni Kyline Alcantara sa Inagaw Na Bituin. Singer si Sunshine sa Inagaw Na Bituin at ang singing voice niya ang gagamitin sa kanyang mga eksena.

SEEN: Ngayon ang cremation sa bangkay ng former actress na si Alona Alegre na sumakabilang buhay noong December 9 dahil sa asthma at cardiac arrest. Closed casket ang burol ni Alona pero ipinasisilip ng kanyang mga kamag-anak ang bangkay niya sa mga kaibigan.

SEEN: Ang plano ni Isabelle Daza at ng kanyang asawa na si Adrien Semblat na pabinyagan sa ibang bansa ang kanilang nine month-old son na si Balthazar.

SCENE: Pamilya at malalapit na kaibigan ang mga bisita ni Pops Fernandez sa 52nd birthday celebration niya sa Teatrino Greenhills noong December 12.  Dumating din ang kanyang ex-husband na si Martin Nievera.

SEEN: Nasa Bangkok, Thailand na si Clint Bondad, ang aspiring actor/boyfriend ni Miss Universe Philippines Catriona Gray. Supportive boyfriend si Clint dahil always present siya sa lahat ng mga importanteng ganap sa buhay ni Catriona.

SCENE: Ang fashion designer na si Mak Tumang ang gumawa ng gown na ginamit kagabi ni Catriona Gray sa preliminary competition ng Miss Universe 2018 sa Impact Arena, Bangkok, Thailand. Si Tumang ang designer ng gown ni Catriona nang sumali ito sa Bb. Pilipinas 2018 at nanalo sa Best in Long Gown competition.

 

vuukle comment

ISABELLE DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with