^

PSN Showbiz

Paolo parang si Vice ang lovelife

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Paolo parang si Vice ang lovelife
Paolo & Kenneth

Mukhang hindi na itinatago ng Eat Bulaga dabarkad na si Paolo Ballesteros ang pagkakaroon nito ng bagong love sa pamamagitan ng non-showbiz guy na si Kenneth Concepcion na hindi rin nahihiyang mag-express ng kanyang nararamdaman (for Paolo) sa kanyang social media account.

Tulad ni Vice Ganda for cager Calvin Abueva, halatang masaya ngayon si Paolo dahil sa kanyang bagong pag-ibig.

Si Paolo ay may 9-year-old daughter na si Keira Claire Ballesteros sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend na si Katrina Nevada. 

Joel gusto pang dagdagan ang walong anak

Marami sa ating mga kababayang couples ang mayayaman pero walang anak at ang iba sa kanila ay nagre-resort sa surrogacy sa pamamagitan ng in-vitro fertilization para magkaroon ng anak at isa sa kanila ay ang open gay father and successful businessman na si Joel Cruz na meron nang walong anak sa pamamagitan ng surrogacy. 

Ang iba naman sa kanila (including a very popular couple) ay gumagamit ng in-vitro procedure pero same mother ang nagbubuntis.

Ang Russia ay isa sa iilang bansa (including South Africa at Ukraine) na legal ang pagkakaroon ng baby sa pamamagitan ng surrogacy kaya parehong Ruso (Russian) ang dalawang biological mothers ng perfume mogul na si Joel Cruz na nagngangalang Lilia at Oselia.

Sa loob ng anim na taon ay nagkaroon si Joel ng walong anak at tatlo rito ay twins.

Ang unang twins ni Joel na sina Prince Sean at Princess Synne ay isinilang nung September 2012. Ang pangalawang twins in October 2015, sina Prince Harry and Prince Harvey at ang pangatlong twins ay lumabas nung May 2017, sina Charles at Charlotte. Magkasunod naman na isinilang this year, June and November 6, 2018 ang dalawa pang baby na sina Zeid at Ziv Cruz. Sa walong anak, anim ang lalaki at dalawa naman ang babae.

Base sa information na aming nakalap, umaabot umano ng $26,000 to $30,000 US dollars ang ibinabayad ng would be parents/parent sa surrogate mother in Russia labas pa rito ang ibang gastusin sa proseso hanggang sa pagsilang ng bata.

Priority kay Joel ang makapagtapos ang kanyang mga anak dahil sa kanila niya iiwan ang kanyang empire ng mga negosyo pero umano’y iniisip pa niyang dagdagan ang mga ito.

Masayang party...

Nag-enjoy nang husto ang aking mga kasamahan sa panulat sa Family is Love Christmas Party ng ABS-CBN para  sa mga taga-entertainment media na magkahiwalay na ginanap sa bagong bukas na ABS-CBN Studio Experience na matatagpuan sa ikaapat na palapag ng Trinoma Mall na sinundan ng unlimited buffet at raffle sa isang Korean restaurant, ang  K-Pub restaurant na matatagpuan naman sa 3rd floor ng nasabing mall.

Ang Corporate Communications head ng ABS-CBN na si Kane Errol Choa at ang Media Relations Manager na si Aaron Domingo sampu ng kanilang mga staff ang nanguna sa taunang selebrasyon na nagsimula ng alas-4:30 ng hapon at nagtapos ng pasado alas-10 ng gabi.

vuukle comment

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with