^

PSN Showbiz

‘Totoo pala ang stress’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Totoo pala ang stress�

Hay naku Mama Salve, ngayon ko napatunayan na totoo pala na magkakasakit ka ‘pag stress ka.

Nagsimula iyon anxious feeling ko the night before basahan si Bong Revilla ng sakdal. Tapos sa Sandigan, kabadung-kabado ako lalo na una binasa iyon guilty verdict kina Cambe at Napoles.

Talagang catatonic na ako nang si Bong na ang basahan, hindi ko naintindihan, basta tuluy-tuloy palpitation ko. Kaya Saturday at Sunday hayun na, knockout na ako, may ubo, masakit lalamunan, walang boses at talagang weak na weak ang pakiramdam ko.

Totoo pala ‘yung stress, akala ko eklay-eklay lang pag sinasabi nila, kasi nga never ko yata na feel iyon tension o stress. Ako yata madalas magbigay ng stress sa tao, hahaha.

Ngayon alam ko na, iiwasan ko na stress.

Manny at Amy parehong  suwerte ang birthday

Happy birthday today kay former Senate President Manny Villar at sa alaga ko na si Amy Austria.

Good health at mas maraming biyaya pa ang matanggap nila ang mga birthday wish ko kina Papa Manny at Amy na parehong likas na mabait at matulungin kaya patuloy na sinusuwerte sa lahat ng kanilang mga ginagawa.

Mataas ang ratings ng Halik, ang teleserye ni Amy sa ABS-CBN at hindi matinag-tinag si Papa Manny sa listahan ng mga pinakamayayaman na Pilipino sa bansa natin.

May common denominator sina Papa Manny at Amy, kapwa sila lumaki sa Tondo. Si Amy ang original Tondo Girl at nang maging successful actress siya, marami sa mga taga-Tondo ang itinuring siya na inspirasyon, nagsikap at ‘yung iba, pumasok din sa showbiz gaya nina Myrna Castillo at Maritess Samson.

Bukod kay Amy, ipinagmamalaki rin ng Tondo si Papa Manny na isinilang sa Tondo, nagsikap sa pag-aaral, naging matagumpay na businessman at public servant.

Mahal na mahal ni Papa Manny ang Tondo kaya nang kumandidato siya na pangulo ng Pilipinas noong 2010, pinili niya na idaos sa Tondo ang kanyang miting de avance na dinaluhan ni Willie Revillame.

Idol na idol ni Willie si Papa Manny na itinutu­ring niya na pangalawang ama. Kita n’yo naman, si Papa Manny ang sponsor ng mga house and lot na ipinamimigay ni Willie sa lucky winners ng Pera o Kahon segment ng Wowowin, ang top rating game show niya sa GMA 7.

Si Papa Manny rin at ang real estate company nito ang nagbigay ng house and lot sa Lipat-Bahay episode ng Eat Bulaga sa APT Studios noong nakaraang Sabado.

Likas na very generous si Papa Manny at ang kanyang pamilya sa lahat ng mga kababayan natin na mahihirap at nangangailangan ng tulong.

Noel natupad ang nasa bucket list

Belated happy 50th birthday sa talent manager at MMFF Spokesperson Noel Ferrer na bongga dahil recording artist na rin.

Ang makapag-record ng kanta ang isa sa mga bucket list ni Noel at natupad ito sa tulong ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab at ng misis nito na si Emmy.

Pumayag ang mag-asawa na i-revive at i-record ni Noel ang kanilang composition na Can’t Help Wond’ring Why.

Noong December 11 ang actual 50th birthday ni Noel kaya nagkaroon siya ng free Christmas concert sa Arete, ang bagong teatro sa Ateneo de Manila.

Performers sa Christmas concert ang mga alaga ni Noel na sina Joanna Ampil, Arman Ferrer, Atom Araullo, Iza Calzado at marami pang iba.
 “I am happy doing these passion projects and starting these new traditions, so that through time they will continually be carried out and even be improved and developed to be more inclusive and more relevant,” ang pralala ni Noel tungkol sa kanyang mga project.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with