^

PSN Showbiz

Kasalang Aljur at Kylie iilan lang ang bisita

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Kasalang Aljur at Kylie iilan lang ang bisita

Sa Villa Milagros ancestral house sa Rodriguez, Rizal ikinasal ang engaged couple at live-in partners na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla last Tuesday, December 11, 2018.  Sa nasabi ring lugar ikinasal ang Kapuso actor na si Mike Tan sa kanyang longtime non-showbiz girlfriend na hanggang ngayon ay ayaw pa ring i-share sa publiko ng actor ang pangalan at mukha ng kanyang misis.

Intimate Christian wedding ceremony ang naganap sa kasal nina Aljur at Kylie na dinaluhan ng kanilang respective families at close friends. Naroon ang estranged parents ni Kylie na sina Robin Padilla at Liezl Sicangco na nanggaling pa ng Australia. Naroon din ang mga kapatid ni Kylie na sina Queenie, Zhen-Zhen at Ali.  

Si Queenie ang tumayong Matron of Honor at Maid of Honor naman si Zhen-Zhen habang ang dalawang nakababatang kapatid ni Aljur na sina Vin at Allen Abrenica ang tumayong Groomsmen.  

Kasama ni Vin sa wedding ang girlfriend niyang si Sophie Albert na isa nang Kapuso actress. Naroon din ang Kapuso singer-actress na si Rita Da­niela, ang mag-inang Maritoni Fernandez at Lexi Fernandez at ang magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Kasama naman ni Robin ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

Masayang-masaya si Robin na tinupad ni Aljur ang kanyang pangako na pakasalan si Kylie.  Ang mag-asawa ay meron nang more than one-year-old son na si Alas Joaquin.  

Bunso ni Albert mag-aasawa na rin

Kung ang panganay na anak ng actor na si Albert Martinez na si Alyanna Martinez ay may asawa’t anak na, ang kanya namang bunso sa tatlong anak sa namayapang asawang si Liezel Sumilang-Martinez na si Alissa Martinez ay engaged na rin kamakailan lamang sa kanyang nobyong si Paulus Reyes.  

Masaya na malungkot ang pakiramdam ni Albert dahil mawawala na sa kanyang poder si Alissa kapag ito’y nag-asawa na tulad ni Alyanna na naka­tira ngayon sa Amerika kasama ang husband nitong photographer na si Roy Macam at ang  first baby nila na si Adalynn Riley. Matitira na lamang sa kanya ang kanyang middle child at only son na si Alfonso Martinez.

Kahit mahigit tatlong taon na ring namayapa ang misis ni Albert na si Liezel ay hindi pa rin itong nagbabalak na muling mag-asawa.  Maiisip lamang siguro ito ng actor kapag nagsipag-asawa nang lahat ang kanyang mga anak at iwan siyang mag-isa. Kakailanganin din niya ng katuwang at makakasama sa kanyang pagtanda. Kamakailan lamang ay dinalaw ni Albert sa Amerika ang kanyang panganay na si Alyanna.

Samantala, si Albert ay regular na napapanood sa afternoon TV series ng Kapamilya network, ang Kadenang Ginto. Malapit na ring mapanood sa ere sa primetime ang The General’s Daughter na pinangungunahan ni Angel Locsin kung saan din tampok si Albert.

Wala mang exclusive contract si Albert with ABS-CBN, hindi naman ito nawawalan ng proyekto sa nasabing network.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with