^

PSN Showbiz

Maine at Arjo, level up na raw ang relasyon

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maine at Arjo, level up na raw ang relasyon
Maine at Arjo

MANILA, Philippines — Level up na raw ang relasyon nina Arjo Atayde and Maine Mendoza.

Narinig kong pinag-uusapan sa isang salon na serious na raw ang dalawa at pinatunayan na ni Maine ang ‘pagmamahal’ niya kay Arjo nang i-dare siya nito sa isang  event na hindi na binanggit ng nagkukuwento kung tungkol saan.

Ginawa raw ni Maine ang challenge ni Arjo.

Ang duda ng isang nakarinig sa kuwento ay ‘yung hindi pagbanggit ng name ni Coco Martin sa promo ng Puliscredibles, ang kanilang pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival, ang nasabing challenge ni Arjo kay Maine. Naging issue recently ang sinasabing hindi pagbanggit ng pangalan ni Coco sa promo ni Maine sa Sunday Pinasaya.

So wala nga kayang kinalaman ang management ng GMA 7 doon? Si Arjo lang kaya ang nagpigil kay Maine dahil ‘di ba nga diumano’y pinapa-laylow sina Maine and Arjo dahil dun napo-focus ang promo ng pelikula nila.

Nauna nang sumagot si Coco sa Instagram post ni Nay Lolit Solis na walang problema sa kanya kung hindi man puwedeng banggitin ang name niya sa bakuran ng GMA.

Duda naman ang ilan kung  magsasalita si Maine or si Arjo tungkol sa isyung ito.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with